Megan ibinuking kung ano'ng ginagawa ni Mikael kapag nag-aaway sila: 'Nainis talaga siya at ayaw niya ako tingnan!' | Bandera

Megan ibinuking kung ano’ng ginagawa ni Mikael kapag nag-aaway sila: ‘Nainis talaga siya at ayaw niya ako tingnan!’

Ervin Santiago |March 16,2023
facebook
share this

Megan ibinuking kung ano’ng ginagawa ni Mikael kapag nag-aaway sila: ‘Nainis talaga siya at ayaw niya ako tingnan!’

Ervin Santiago - March 16, 2023 - 06:15 AM

Megan ibinuking kung ano'ng ginagawa ni Mikael kapag nag-aaway sila: 'Nainis talaga siya at ayaw niya ako tingnan!'

Megan Young at Mikael Daez

KUNG iniisip n’yong napaka-smooth at walang kaproble-problema ang pagsasama nina Megan Young at Mikael Daez bilang mag-asawa — nagkakamali kayo!

Mismong ang Kapuso actress at dating beauty queen na ang nambuking na nag-aaway at nagkakatampuhan din sila ng kanyang husband kahit na sa maliliit na bagay lang.

Sa kanyang bagong TikTok video, mapapanood ang nakakaloka at nakakatawan eksena nila ni Mikael sa kanilang bahay nang minsang magkaroon sila ng issue.

“My husband and I had a fight…And this is what he looks like when he doesn’t want to talk to me,” ang pagsusumbong ni Miss World 2013 sa kanyang mga followers.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Megan Young (@meganbata)


Kasunod nito, ipinakita niya ang asawa habang nakadapa sa sahig ng kanilang kuwarto. Itinago pa ng aktor ang kanyang mukha sa gilif ng mattress ng kanilang kama.

Sa caption na inilagay ni Megan sa kanyang TikTok video, sinabi niyang palagi nilang sinasabing mag-asawa na “communication is key” sa kanilang pagsasama, “But this time, Fofo just needed some space.”

Patuloy pang pahayag ng Kapuso actress, “Nainis talaga siya at ayaw niya ako tignan!!! A first for Fofo!!!

“Kaya ko to na video kasi bago nito, nahuli ko siya na kunwaring natutulog akala ko mahuhuli ko ulit hahahaha ayun, tinalikuran niya muna ako!

“Pero bati na kami hehehe nag usap na kami pagkatapos niyang ‘magising,'” ang chika pa ni Megan.

“Ahahaha cutie niyo naman po magtampuhan.”

“Hala uy…… kawawa naman mga apo ko.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Megan Young (@meganbata)


“How to win a fight with your lover: This is my side of my last fight, ‘I sorry for what I did because I can see it hurt your heart. I was feeling humiliated and insecure. I felt like I was losing the love of my life and it scared me. I realize that I mistook your intentions and I was wrong to do what I did.’ Fight over immediately, time to make up. Fight nice or lose your love. That’s the choice ”

Baka Bet Mo: Megan Young, Mikael Daez sa pagkakaroon ng mga anak: That’s not a problem with us

“Ganito din si boyfie. they need space din talaga minsan. hahaha pero enough space lang not to the point na they will become distant. communication at the right time is key.”

“Bakit ang cuuuuutie? Hahahahuhu anyway, glad okay na po kayo.”

“Please bati na kayo ha don’t fight talk it over…. I really love to see you together forever wag na kayo mabilang sa statistics work it out. God bless and protect your marriage forever.”

Yan ang ilan sa mga comments na nabasa namin sa comments section ng IG post ni Megan.

Ikinasal sina Megan ay Mikael noong  2020 after being together for more than 10 years. Wala pa silang baby ngayon pero umaasa sila na darating din ito sa tamang panahon.

Mikael sa asawang beauty queen: I’m not in love with Miss World, I’m in love with Megan Young!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Megan, Mikael umamin: Palagi naming nakakalimutan ang birthday at anniversary namin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending