Mikael Daez pinayuhan ang mga magdyowang hindi nakakapag-date tuwing V-day
Megan Young at Wilbert Ross
TULAD ng palaging katwiran ng ilang Pinoy, lalo na ng mga single at walang mga dyowa, totoo namang “lilipas din ang Valentine’s Day.”
Kanya-kanyang paandar at pasabog ang mga mag-asawa at mga mag-partners sa pagse-celebrate nila ng Araw ng mga Puso pero marami ring magkarelasyon ang hindi nakarampa para sa pinakaasam-asam na Valentine date last Feb. 14.
Kaya naman may bonggang advice ang Kapuso TV host-actor na si Mikael Daez sa lahat ng mga magdyowa na pinalipas ang Valentine’s Day ng walang memorable at excited na ganap.
“Ang advice na maibibigay ko sa kanila is ‘wag niyong i-pressure ang sarili,” ang simulang payo ni Mikael sa isang virtual interview.
Aniya, base na rin ito sa kanyang personal experience, “Hindi niyo kailangan gawin lahat ng special occasion at special dinners at expensive gifts on Feb. 14 itself.”
Hirit pa ng asawa ni Megan Young, “There are 364 other days of the year for you to do something special for your partner and your loved one make the most out of those 364 days also.”
At knows n’yo ba na walang-wala sa isip ng Kapuso couple na Valentine’s Day na pala nitong nagdaang Lunes. Na-realize lang nila na araw na ng mga puso nang mag-check na sila ng kanilang social media accounts.
“So ang nangyari may plan ako kay Bonez (tawagan nila ni Megan) yesterday na gumawa ng bagong PC for her,” pahayag pa ni Mikael. At ang PC project ngang yun ang naging instant Valentine’s gift niya kay misis.
View this post on Instagram
Actually, hindi lang naman Valentine’s Day ang nakakalimutan ng mag-asawa kundi pati na ang kanilang wedding anniversary at iba pang espesyal na okasyon.
“I guess nakakalimutan namin kasi wala talga kami balak na mag-celebrate para samin kasi kung gusto namin mag-celebrate kahit hindi siya special occasion, magse-celebrate kami.
“Like today naisip namin na sige let’s have a nice dinner some pasta, yummy beef, parang sige ok gawin na natin ngayon huwag na tayo mag-antay ng special occasion,” paliwanag pa ng aktor.
Aniya pa, “Kung kailan namin feel at least wala kaming inaabangan wala rin kaming pressure sa araw na ‘yun paano kung ang dami mong work tapos magsisingit ka pa ng special dinner.
“Tapos stress na stress ka tapos pagdating mo sa dinner inaway mo lang yung asawa mo so para sa akin ito yung strategy na nag-fit samin,” chika pa ni Mikael.
Samantala, magsisimula na sa Feb. 20 ang bagong infotainment show ng GMA 7 na “The Best Ka!” hosted by Mikael.
Mapapanood dito ang mga nakakamangha at shocking Guinness World Records from all over the world.
Para sa pilot episode ng “The Best Ka!” makakasama ni Mikael ang asawang si Megan bilang guest co-host. Kaya tutukan ang “The Best Ka!” every Sunday, 3:50 p.m. sa GMA.
https://bandera.inquirer.net/288744/megan-mikael-nagkasundo-na-huwag-munang-magkaroon-ng-anak
https://bandera.inquirer.net/305675/barbie-imperial-sa-kanyang-worst-valentines-day-no-choice-but-to-move-on-talaga
https://bandera.inquirer.net/305836/maxene-nagpayo-sa-mga-laging-nganga-tuwing-valentines-day-love-is-all-around-us
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.