Piolo kering-keri rin ang pagiging game show host, lumelebel kina Luis at Dingdong: 'Kung may good offer, why not?' | Bandera

Piolo kering-keri rin ang pagiging game show host, lumelebel kina Luis at Dingdong: ‘Kung may good offer, why not?’

Ervin Santiago |March 12,2023
facebook
share this

Piolo kering-keri rin ang pagiging game show host, lumelebel kina Luis at Dingdong: ‘Kung may good offer, why not?’

Ervin Santiago - March 12, 2023 - 07:23 AM

Piolo kering-keri rin ang pagiging game show host, lumelebel kina Luis at Dingdong: 'Kung may good offer, why not?'

Luis Manzano, Piolo Pascual at Dingdong Dantes

PAK na pak din palang maging game show host ang Kapamilya actor at Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual.

Pinatunayan ni Papa P sa harap ng mga miyembro ng entertainment media na kering-keri rin niyang makipagsabayan sa mga magagaling na TV host natin ngayon tulad nina Luis Manzano, Dingdong Dantes at maging si Robi Domingo.

In fairness, first time naming nakita na mag-host ng “game show” si Piolo sa presscon ng “Wheel of Life”, ang bagong campaign ng SunLife Philippines na ang aktor din ang ambassador.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JEFRE (@jefre_artist)


Nagkakaisa ang mga showbiz reporter at entertainment editors sa pagsasabing dapat kunin na ng ABS-CBN si Papa P bilang host ng kanilang mga bagong game show dahil kayang-kaya rin nito ang ginagawa nina Luis, Robi at Dingdong.

Nang matanong si Piolo kung payag ba siyang maging game show host, pwede naman daw lalo na kung may magandangoffer sa kanya at makakaya ng kanyang schedule.

“But I wanna stick to what I know better, which is film acting, or TV. But again kung may good offer, good material, why not?

“I enjoyed doing it! It’s a good practice. It’s a good exercise for me as well,” sey ng aktor.

* * *

Kahit siya ang naghatid kay KZ Tandingan sa altar noong kanyang kasal, hindi nagdalawang-isip si coach Martin Nievera na gamitin ang kanyang kapangyarihan na i-block ang kapwa coach na si KZ matapos mapabilib sa isang young artist mula sa Olongapo sa ikalawang weekend ng blind auditions sa “The Voice Kids.”

Pinahanga ng 10 taong gulang na si Kai Marmento sina Martin at KZ sa pag-awit niya ng “Hesus,” pero nawalan ng pagkakataon si KZ na hikayatin si Kai na sumali sa kanyang team dahil ginamit ni Martin ang block button para makuha si Kai.

“Sorry, anak. We have the same type. The competition is stiff. I knew you were going to press [the button]. I know you so well,” ani Martin kay KZ.

Baka Bet Mo: Diego napuruhan sa mata habang nagba-basketball sa Cebu; KZ may hugot sa bad break-up

“Tama na po. Huwag na po kayong mag-explain. Nasaktan na ang dapat masaktan,” pabirong sagot ni KZ kay Martin na tinuturing niya na tatay sa showbiz.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KZ (@kztandingan)


Sa isang panayam sa “TV Patrol,” ibinahagi nina Martin at KZ kung gaano na kalayo ang narating nila mula sa pagiging mentor at mentee.

“Parang 10 years ago, coach siya sa sinalihan ko. Ngayon, magkasama na kaming coach,” sabi ni KZ.

Bilib naman si Martin sa kanyang anak anakan na si KZ na ngayon ay kapwa coach niya. “I am very proud of KZ because it took me 40 years to sit on the red seat. It only took her 10 years to get on the same seat right beside me,” kwento ni Martin.

Bukod kay Kai, nadagdag din sa MarTeam si John David Centeno (10 y.o.) ng Rizal.

Ang kapatid ni John David na si Honey Centeno (8 y.o.) naman ay pinili si coach KZ. Ang iba pang bagong miyembro ng Team Supreme ay sina Xai Martinez (12 y.o.) ng Caloocan City, Kreya Morta (12 y.o.) ng Cebu, at Luke Daniel Dela Cruz (11 y.o.) ng Benguet.

Samantala, bahagi na ng Kamp Kawayan ni coach Bamboo sina Princess Canete (12 y.o.) ng Rizal at Chaelna Magnaye (10 y.o.) ng Batangas.

KZ Tandingan laging nganga noon sa mga audition, binigyan ng ultimatum ang sarili nang sumali sa ‘X-Factor PH’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

KZ Tandingan super lucky kay TJ Monterde, may asawa na may ‘driver’ pa: Minsan naaawa na rin ako sa kanya kasi…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending