Netizens napa-wow sa kaseksihan ni AJ Raval, hinamon nang bonggang-bongga: 'Baby reveal naman diyan!' | Bandera

Netizens napa-wow sa kaseksihan ni AJ Raval, hinamon nang bonggang-bongga: ‘Baby reveal naman diyan!’

Ervin Santiago |March 12,2023
facebook
share this

Netizens napa-wow sa kaseksihan ni AJ Raval, hinamon nang bonggang-bongga: ‘Baby reveal naman diyan!’

Ervin Santiago - March 12, 2023 - 07:22 AM

Netizens napa-wow sa kaseksihan ni AJ Raval, hinamon nang bonggang-bongga: 'Baby reveal naman diyan!'

Aljur Abrenica at AJ Raval

INASAR-ASAR ng mga netizens ang Vivamax sexy star na si AJ Raval nang mag-post ito ng kanyang latest paandar sa TikTok kamakailan.

In fairness, ang sandamakmak ang pumuri sa kaseksihan ng girlfriend ni Aljur Abrenica na makikita nga sa ginawa niyang TikTok video.

Awra kung awra at pak, pak ganern ang drama ni AJ sa nasabing video clip gamit ang sikat na kantang “Beauty and the Beat” ng award-winning international artist na si Justin Bieber.

Ayon sa mga followers niya sa TikTok, “apakaseksi” at fresh na fresh pa rin si AJ, da katunayan tinawag pa siya ng kanyang supporters na “Hailey Bieber” ng Pilipinas.

Komento pa nga ng ilang netizens, magaling daw palang mag-alaga ng dyowa si Aljur at sana raw ay talagang mapanindigan nila ang kanilang relasyon hanggang sa ending.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)


Pero siyempre, may mga nambasag pa rin sa celebrity couple na nagsabing hindi rin magtatagal ay maghihiway din ang magdyowa at matutulad din daw si AJ sa estranged wife ni Aljur na si Kylie Padilla.

Bukod dito, nag-joke, joke, joke rin ang ilang bashers at nagpatutsada kay AJ na parang hindi raw siya nanganak dahil sa taglay pa rin niyang kaseksihan, base na rin sa kanyang mga video at photos sa social media.

Hirit pa sa kanya ng ilang TikTok users “Baby reveal naman diyan” at “Ganyan din ako after manganak puro na TikTok.”

“Pasama si baby sa vlog.”

“Gandang Kylie Padilla yarn. Ily Kylie!”

“The design is very kylie. the hair, the way she wears her lipstick.”

“Naks! Parang hindi nabuntis at nagsilang ng baby ha! Super sexy pa rin! Galeng mag alaga ni Aljur!”

Baka Bet Mo: AJ Raval kumpirmadong buntis, si Aljur Abrenica nga ba ang ama?

Yan ang ilan pa sa mga hirit na komento ng mga nakapanood sa TikTok video ni AJ.

Ilang beses nang dinenay ni AJ na buntis siya at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita si Aljur kung may anak na nga ba sila ng aktres.

Pero inamin naman niya na maligayang-maligaya siya ngayon sa piling ni AJ Raval at okay na okay na rin daw sila ni Kylie lalo na ang co-parenting agreement nila para sa dalawa nilang anak na sina Alas at Axl.

AJ Raval nag-IG live, dinenay ang pagbubuntis: Lagi niyo lang anong ginagawan ng issue

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

AJ Raval ibinandera ang flat tummy, itinangging buntis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending