DNA test kinumpirmang kay Abby Choi ang mga natagpuang bungo sa soup pot, legs sa ref; ibang bahagi ng katawan hinahanap pa | Bandera

DNA test kinumpirmang kay Abby Choi ang mga natagpuang bungo sa soup pot, legs sa ref; ibang bahagi ng katawan hinahanap pa

Therese Arceo |March 09,2023
facebook
share this

DNA test kinumpirmang kay Abby Choi ang mga natagpuang bungo sa soup pot, legs sa ref; ibang bahagi ng katawan hinahanap pa

Therese Arceo - March 09, 2023 - 08:54 PM

DNA test kinumpirmang kay Abby Choi ang mga natagpuang bungo sa soup pot, legs sa ref; ibang bahagi ng katawan hinahanap pa
KUMPIRMADONG pag-aari ng Hong Kong socialite na si Abby Choi ang bungo at hita na natagpuan sa loob ng isang bahay sa Tai Po village.

Lumabas na kasi ang resulta ng DNA test at kumpirmadong ang bungo na nakita sa kaldero ng sopas at ang dalawang hita na nakita sa loob ng refrigirator ay sa naturang socialite ayon sa report ng South China Morning Post noong Lunes.

Samantala, hindi pa rin nakikita hanggang ngayon ang iba pang parte ng katawan ni Abby gaya ng kanyang torso at dalawang kamay.

Ayon sa source ay patuloy pa rin ang paghahanap at pag-iimbestiga ng mga police officers sa mga nawawalang parte ng katawan ng fashion model.

Pumunta nga ang mga ito sa isang landfill site at tatlong araw ring naghanap kung narito ba ang nawawalang parte ng katawan ni Abby matapos nilang makita ang isang security footage na may taong nagtapon ng mga bags rito.

Huling namataan ang Hong Kong socialite sa exclusive neighborhood na Kadoorie Hill sa Ho Man Tin kung saan nakatira ang ex-husband niyang sina Alex Kwong, mga magulang nito at nakatatandang kapatid na lalaki.

Baka Bet Mo: Lalaki natagpuang nasusunog sa liblib na lugar ng Borbon, Cebu

Ang mga ito rin ang pangunahing suspek sa karumal-dumal na pagkamatay ni Abby. Ito ay sina Alex Kwong, tatay nitong si Kwong Kau (itinuturong utak ng krimen), nanay nitong si Jenny Li Sui-heung, at kapatid nitong Anthony Kwong na pawang nasa pangangalaga na ng mga awtoridad.

Matatandaang nag-ugat ang krimen sa financial issue ng dalawang kampo matapos magkaroon ng pagtatalo sa pag-aaring bahay na balak ibenta ni Abby na nagkakahalagang $12 million.

Hangad naman ng kanyang mga tagahanga na makamit nito ang hustisya sa walang awang pagkamatay nito.

Bukod sa pagiging isang fashion model ay kilala rin bilang isang social media influencer si Abby Choi.

Apat na bata ang nangungulila ngayon sa kanilang ina, dalawa sa dating asawang si Alex at dalawa rin sa current husband nitong si Chris Tam na pinakasalan niya noong December 2016.

Iba pang balita:
Claudine Barretto humiling ng dasal sa mga fans bago operahan sa hita

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

2 bata binigti ng sariling ama ngayong Araw ng Pasko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending