Abby Choi walang awang pinaslang, nawawalang parte ng katawan natagpuan sa kaldero ng sopas | Bandera

Abby Choi walang awang pinaslang, nawawalang parte ng katawan natagpuan sa kaldero ng sopas

Therese Arceo |February 28,2023
facebook
share this

Abby Choi walang awang pinaslang, nawawalang parte ng katawan natagpuan sa kaldero ng sopas

Therese Arceo - February 28, 2023 - 03:50 PM

Abby Choi walang awang pinaslang, nawawalang parte ng katawan natagpuan sa kaldero ng sopas

Abby Choi

TRIGGER WARNING: MURDER AT VIOLENCE

KARUMAL-DUMAL ang nangyari sa 28-year-old Chinese fashion model at Hong Kong socialite na si Abby Choi matapos itong patayin at katayin.

Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ang pagkamatay ng social media influencer na kinatay at niluto matapos paslangin.

Ang mga pinaghihinalaang salarin sa pagpatay kay Abby ay ang ex-husband nitong si Alex Kwong pati na rin ang mga kamag-anak nito.

Ayon sa mga otoridad, natagpuan ang mga putol na parte ng katawan ng fashion model sa loob ng refrigirator sa apartment ng father-in-law at dating police officer na si Kau Kwong.

Bukod pa rito, nakita rin ng Hong Kong Police noong February 24 ang iba pang bahagi ng katawan, identification cards, credit cards at iba pang mga pag-aari ni Abby.

May mga nakita ring meat grinder, chainsaws, gloves, masks, mga kaldero ng sopas na naglalaman ng human tissues na talaga namang nakakakilabot.

Noong February 25 ay nadakip na ang dating asawa ni Abby habang nagtatangkang tumakas at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya.

Nakakulong na rin ang nakatatandang kapatid ni Alex pati ang ka yang mga magulang na iniimbestigahang may kinalaman sa karumal-dumal na nangyari sa Hong Kong socialite.

Ayon sa report, ang biyenan ni Abby ang utak sa pagpatay na nag-ugat raw sa isyung pera matapos magkaroo ng pagtatalo sa pag-aaring bahay na balak ibenta ng biktima na nagkakahalagang $12 million.

Bago ang krimen ay naiulat pang nawawala ang Hong Kong socialite noong February 21.

At nito ngang Linggo, February 26, kinumpirma ng Hong Kong Police na bungo at mga tadyang ang laman ng dalawang kalderong sopas na may nakalagay pang carrots at pipino.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng forensic experts kung kay Abby nga ba ang nilalamang ulo at tadyang na kanilang natagpuan.

“When we found the two pots of soup at the scene, one of the pots measuring 50cm deep and 40cm in diameter was almost full and covered with thick fat, some green and orange carrots and meat believed to be human flesh.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Abby Choi (@xxabbyc)

“Forensic experts recommended that we not carry out any inspection at the site to preserve evidence, so we decided to transport the pots to a mortuary for further inspection,” lahad ni Superintendent Alan Chung ng Kowloon West Regional crime unit na nag-iimbestiga sa kaso sa South China Morning Post.

Si Abby ay may apat na anak, dalawa sa dating asawang si Alex at dalawa rin sa current husband nitong si Chris Tam na pinakasalan niya noong December 2016.

Damay rin sa kasong pagpatay ang nanay ni Alex dahil sa obstruction of justice pati na rin ang kabit ni Alex na may palayaw na “Yung Yung”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending