Lalaki natagpuang nasusunog sa liblib na lugar ng Borbon, Cebu | Bandera

Lalaki natagpuang nasusunog sa liblib na lugar ng Borbon, Cebu

|January 02,2021
facebook
share this

Lalaki natagpuang nasusunog sa liblib na lugar ng Borbon, Cebu

- January 02, 2021 - 10:01 AM

CEBU CITY–Isang bangkay ng lalaki na nasusunog sa liblib na lugar sa bayan ng Borbon ang iniulat sa pulisya nitong Biyernes, Enero 1.

Nakita ng mga dumaraang motorista ang natutupok na katawan sa Sitio Lunas, Barangay Cadaruhan dakong ika-3 ng hapon.

Hindi pa nakikilala ang biktima.

Sa spot report, sinabi ng pulisya ng Borbon na isang drayber ng habal-habal ang nakakita na may nasusunog sa bakanteng lote, may 30 metro ang layo sa kalsada, noong dumaan siya sa lugar mga 3:00 ng hapon habang patungo sa karatig na Sitio Camugaw.

Inakala ng drayber, na nanggaling sa Sitio Tabaynglawm, na may nasusunog lamang na kahoy kaya hindi niya ito pinansin.

Isang grupo ng mga siklesta ang dumaan din sa lugar at nakita na katawan ng lalaki ang nasusunog. May suot umanong hood ang biktima na nakatakip sa mukha.

Pero dahil walang signal ng mobile phone sa lugar, naiulat lamang ang insidente sa pulisya ng Borbon dakong 6:00 ng gabi.

Dumating sa lugar ang mga miyembro ng Scene of the Crime Operatives ganap na  8:39 ng gabi para mag-imbistiga. Natagpuan nila sa lugar ang 15 piraso ng basyo ng bala, galon na may lamang gasolina, at tsinelas na pinaniniwalaang suot ng biktima.

Sinabi ni Police Lieutenant Samuel Gerra Negro na magsasagawa pa sila ng awtopsiya para malaman ang sanhi nag pagkamatay ng biktima.

Mula sa ulat ng Cebu Daily News
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending