Maegan Aguilar muling bumanat kay Raffy Tulfo: 'Sa ’yo na pera mo, I don’t need your help! I don’t need rehab!' | Bandera

Maegan Aguilar muling bumanat kay Raffy Tulfo: ‘Sa ’yo na pera mo, I don’t need your help! I don’t need rehab!’

Reggee Bonoan |March 09,2023
facebook
share this

Maegan Aguilar muling bumanat kay Raffy Tulfo: ‘Sa ’yo na pera mo, I don’t need your help! I don’t need rehab!’

Reggee Bonoan - March 09, 2023 - 09:05 AM

Maegan Aguilar bumanat kay Raffy Tulfo: 'Sa ’yo na pera mo, I don’t need your help! I don’t need rehab!'

Raffy Tulfo at Maegan Aguilar

NANAWAGAN ang dating asawa ni Maegan Verona Aguilar na si Bashier Sacaguing, content creator at Islamic debater, na sana’y matulungan ang anak ni Ka Freddie Aguilar.

Napanood daw kasi ni Bashier ang viral video ni Maegan at aniya, alam niyang may karamdaman ito.

Mapapanood ang video ni Bashier sa kanyang Facebook account na in-upload niya kagabi.

Ikinasal sina Maegan at Bashier noong 2018 via Nikah in Islam.  Base sa larawan ay dumalo ang ama ni Maegan na si Ka Freddie sa kasal na ginanap sa Napolcom DILG, EDSA.

“Nag-Muslim po siya (Maegan) kaya ko po pinakasalan at dumalo nga ang kanyang tatay na si Freddie Aguilar at iyong pamilya niya at wala po akong masabi dahil napakabait po nila.

“Nagkaroon lang po ng problema at may mga natuklasan na tayo kaya nagkahiwalay noong 2019 at hindi ko na alam kung anong nangyari sa kanya at itong video ay ipinasa sa akin at aking pinanood,” ang panimulang pahayag ng vlogger.

“Basta noong nasa akin siya ay ginawa ko ang lahat para maging maayos po. Actually ako po iyong naging daan kung bakit po nagbati iyong mag-ama dahil nagkaroon sila ng problema. Napagbati ko po iyong dalawa at nag-usap po sila.

“Kinausap ko kasi siya (Maegan) na sabi ko bago tayo ikasal dapat malaman ito ng tatay mo at dahil tatay mo isang Muslim, iyon ang magiging protector mo,” kuwento ni Bashier.

Kinausap daw ng ex-husband ni Maegan ang tatay nito na ipa-rehab ang asawa pero hindi raw kinaya at base kay Allah ay hindi na niya pinahintulutan kaya’t naghiwalay sila noong 2019 pa, makalipas lamang ang ilang buwang pagsasama bilang mag-asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maegan Aguilar (@maeganaguilarchannel)


“Nalulungkot po ako sa nangyari sa kanya (Maegan) at hindi na naman sila (mag-ama) nagkasundo at sasabihin ko na po, napakabait po ng tatay ni Maegan Aguilar na si Freddie Aguilar.

“Ang dalangin ko po sana gabayan pa siya ng Allah at bigyan ng ikalawang pagkakataon. At sa mga kapatid po alam naman natin iyan na kung mayroon po tayong maitutulong sana bigyan natin siya at maipa-rehab ang buhay niya para maging maayos ang lahat.

“Kung makarating ito kay Maegan Aguilar humihingi ako ng tawad sa mga nangyari sa atin noon at sana magbalik ka sa Allah at alam mo naman na marami kang natutunan sa pananampalataya ng Islam,” mahabang pahayag ng dating asawa ni Maegan.

Napanood nga ito ng ex-wife ni Bashier pero hindi naging maganda ang sagot nito sa kanya dahil sinabihan siyang ini-estafa niya ang asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maegan Aguilar (@maeganaguilarchannel)


Ni-repost ni Maegan sa kanyang Facebook account ang video ni Bashier kung saan tinawag niya ito ng kung anu-anong masasakit at malilisyosong salita.

“AY ANG KAPAL! IN-ESTAFA MO KO UNGGOY!!! NAKALIMUTAN MO BIGLA NA SA YO NAGSIMULA ITONG TOXIC GOITER KO NUNG ITAKBO MO PERA KO AT PERA NG MGA KOREANO AMOUNTING TO 250K!

“SAWSAWERO, IKAW LANG ANG MAY I. D. NUNG PANAHON NA ‘YUN KAYA SA YO PINANGALAN YNG CHEKE! MANGILABOT KA BASHIER SACAGUING!!! TUTULONG KA? OK IBALIK MO YUNG PERANG NINAKAW MO SA AKIN.

“ESTAFADOR KA WAG KANG MAGMALINIS. TOXIC GOITER LNG NAPALA KO SA YO, AT ANG MASIRA PAGKA-MUSLIM KO, OBVIOUS NAGPAKASAL KA SA KIN KASI AKALA MO MANANALO SA PAGKA-SENADOR YUNG ISA PANG TULAD MO RIN (Ka Freddie), YUN LANG!

“AT NUNG NATALO, NI HINDI MO AKO MAAKAY PAAKYAT NG HAGDANAN NUNG KASAGSAGAN NG GOITER KO.

“STOP LIVING THIS LIE BASHIER, STOP FOOLING YOURSELF HABANG MAY ORAS KA PANG MAGBAGO AT MAGING TAO. WAG KANG CONFIDENT SA ARAW NG PAGHUHUKOM MO DAHIL NAPAKALAKI NG KASALANAN MO SA AKIN. TANDAAN MO YAN.”

Samantala, may bagong FB Live si Maegan pero binura na niya ito pero na-grab agad ng YouTuber na si Pinoy Updates TV.

Base sa video ng dating mang-aawit, “Belat (minuwestra), you didn’t win. You lost! (nandidilat ang mga mata). What you see is bipolarism, what you see is an exhausted sick (sabay turo sa lalamunan) person not an addict, I’m not an addict.

“My support from netizens used their brain and not their mouth that don’t follow a leader that misleading everyone. ‘Yan po ang pag susporta at pagmamahal, pagkalinga at pag-unawa na nare-receive ko ngayon from them.”

Baka Bet Mo: Maegan Aguilar naglabas ng sama ng loob: Hindi man lang nila inalam, muntik akong ma-gang rape at ilibing ng buhay ang asawa ko

May depression daw si Maegan kaya’t hindi ang confinement sa rehab ang kailangan niya at may tumulong na patirahin sila sa one-bedroom apartment na naniniwalang hindi siya adik kundi may sakit at kailangan nito ng tulong.

“And the people na hindi naisip na ito ay drugs, binuhos ang hindi kayang ibigay ni Tulfo (Senator Raffy). Anyway, sa ’yo na pera mo, I don’t neet your help! I don’t need rehab (sabay lapit ang mukha sa camera). And I don’t care kung ayaw ninyong maniwala and you want to continue bashing, go ahead! Go ahead!”

“Belat, you didn’t win, you lost goodbye!” pang-aasar pang sabi ng singer.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Bashier Sacaguing tungkol sa sagot ni Maegan sa kanya pati na ni Sen. Raffy sa sinabing hindi na na nito kailangan ang tulong niya.

Maegan Aguilar sumailalim sa hair follicle drug test: I pray na talagang this proves everything and clears my name

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maegan Aguilar muntik nang mamatay, nanawagan kay Ka Freddie: ‘Tay, sa totoo lang kailangan ko kayo ngayon’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending