EA Guzman ipinagmalaki ang pagiging virgin ni Shaira Diaz: 'Nangako ako sa kanya na hindi ako magloloko, para sa akin sacred siya' | Bandera

EA Guzman ipinagmalaki ang pagiging virgin ni Shaira Diaz: ‘Nangako ako sa kanya na hindi ako magloloko, para sa akin sacred siya’

Ervin Santiago |March 08,2023
facebook
share this

EA Guzman ipinagmalaki ang pagiging virgin ni Shaira Diaz: ‘Nangako ako sa kanya na hindi ako magloloko, para sa akin sacred siya’

Ervin Santiago - March 08, 2023 - 04:59 PM

EA Guzman ipinagmalaki ang pagiging virgin ni Shaira Diaz: 'Nangako ako sa kanya na hindi ako magloloko, para sa akin sacred siya'

EA Guzman at Shaira Diaz

MAS lalo pang humanga at napamahal ang Kapuso actor-singer na si Edgar Allan Guzman sa kanyang girlfriend na si Shaira Diaz.

Naging totoo si EA sa pagsagot sa tanong ng BANDERA kung okay lang ba sa kanya na mauna ang pagkakaroon ng anak bago ang pagpapakasal.

Ayon sa binata, napag-uusapan naman daw nila ni Shaira ang kanilang future at ang pagkakaroon ng sariling pamilya pero wala pa raw ito talaga sa top priorities nila ngayon.

Sabi ni EA, mas gusto muna nilang mag-focus sa kanilang showbiz career lalo pa’t napakarami pang opportunities ang dumarating sa kanila ngayon. Pero naniniwala ang binata na sa kasalan din mauuwi ang kanilang pagmamahalan.

Ayon kay EA, kasal muna, bago anak, “Ayoko talaga ng ganu’n (magka-baby nang hindi kasal). At saka, malalaman n’yo po kung bakit ayoko talaga. Basta, si Shaira po, hanga talaga ako sa kanya.

“Isa ito sa kinahahangaan ko sa kanya. Sige, sasabihin ko na po. Hindi naman namin ito inilalabas, pero si Shaira po ay still (a virgin)… alam n’yo na!” pahayag ni EA.

Nakachikahan namin ang aktor after ng event ng Beautederm Corporation kung saan isa siya sa mga Sparkle artists na ipinakilala bilang bagong bagong endorser ng napakalaking kumpanya ni Ms. Rhea Tan.

“Kaya ko siya lalong minamahal. Wala na akong mahahanap na ganu’n (virgin). Ang lagi kong naririnig sa kanya ay gusto niyang i-save (ang virginity), kaya after marriage. So, para sa akin, wow!

“Totoo po ‘yun, hindi ako nagsisinungaling. Kahit itanong niyo sa kanya. Kaya humanga ako lalo sa kanya. Kaya para sa akin, marriage muna, kasi yun din ang gusto ni Shaira. Nirerespeto ko ang desisyon niyang yon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Shaira Diaz (@shairadiaz_)


“Para sa akin, pareho naman kaming magbe-benefit noon. Napakaganda naman. Kumbaga, para sa akin, very sacred si Shaira!” pahayag ni Edgar.

Dagdag pa ni EA, kahit daw noong nililigawan pa lang niya si Shaira ay pinaalalahanan na niya ang dalaga na ang gusto niya ay kasal muna, bago sex.

“Yes, nililigawan ko pa lang siya, sinabi na agad niya sa akin ‘yon. Kaya para sa akin, kung tatanungin ako kung siya na ba, oo naman. Minahal ko talaga siya lalo.

“Minahal ko siya hindi lang dahil merong mangyayari sa amin. Minahal ko siya dahil sa pagkatao niya,” aniya pa.

Baka Bet Mo: EA Guzman nakapagpundar na ng mga ari-arian: Very careful ako sa kinikita ko, dapat wais talaga sa paggastos

Mapanindigan kaya niya si Shaira at kayanin kaya niya ang mga tukso? “Mahirap talaga. Alam naman ng mga kalalakihan `yan. Pero nirerespeto ko siya. Nananaig talaga ang pagmamahal ko sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by EA Guzman 🤙🏼 (@ea_guzman)


“Nangako ako sa kanya na hindi ako magloloko. Na hindi ako mati-tempt tumikim ng ibang babae. Palagi ko kasing naiisip na si Shaira, si Shaira!” sabi na lang ni EA.

Samantala, abot-langit naman ang pasasalamat ni Edgar Allan kay Ms. Rhea Tan dahil isa siya sa limang Sparkle artists na napili bilang mga bagong ambassador ng mga produkto ng Beautederm.

Nakasama ni EA ang iba pang Kapuso stars na humarap sa entertainment media kahapon para sa nasabing Beautederm event sina Rayver Cruz, Ruru Madrid, Cassy Legaspi, Ysabel Ortega, Thia Tomalla, Patricia Tumulak, Buboy Villar, Sanya Lopez. Hindi naman nakarating sa mediacon ang isa pang ambassador ni Ms. Rhea na si Bianca Umali.

Ruru Madrid, Shaira Diaz dedma muna sa kasal, marami pang gustong patunayan sa career

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sanya nagbilad ng kaseksihan sa resort ni Gabby; ‘I Can See You’ nina Ruru at Shaira trending agad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending