Shaira Diaz nagpaka-action star sa Lolong; Manolo Pedrosa inatake ng anxiety sa lock-in taping | Bandera

Shaira Diaz nagpaka-action star sa Lolong; Manolo Pedrosa inatake ng anxiety sa lock-in taping

Ervin Santiago |January 19,2021
facebook
share this

Shaira Diaz nagpaka-action star sa Lolong; Manolo Pedrosa inatake ng anxiety sa lock-in taping

Ervin Santiago - January 19, 2021 - 01:47 PM

NAGING memorable ang first ever lock-in taping experience ng Kapuso young actor na si Manolo Pedrosa para sa upcoming GMA Afternoon Prime series na “Babawiin Ko Ang Lahat.”

Sabi ni Manolo, sa simula raw ay hindi niya maiwasang makaramdam ng anxiety lalo pa’t ito ang kauna-unahan niyang pagsabak sa lock-in taping at nagtagal ng isang buwan.

Kaya naman malaki ang pasasalamat ni Manolo sa production team, crew, at kanyang co-stars sa pagpapagaan ng loob niya sa kabila ng nakakapanibagong work conditions.

Sa isang Instagram appreciation post ay pinasalamatan ng binata ang bumubuo ng serye, “Being stuck with each other for a month, I am grateful that everyone—cast, prod & crew—was so friendly and accommodating despite complicated work conditions.”

Special mention din sa post ang kanyang co-stars na sina Pauline Mendoza, Kristoffer Martin, Dave Bornea, Therese Malvar at Liezel Lopez.

Aniya, “Special shout out to this group right here, thank you for making this experience fun and it making it so much less stressful than I expected it to be. We’re a team, we supported each other, and we did it!”

Malapit nang mapanood ang “Babawiin Ko Ang Lahat” sa GMA kung saan kasama rin sina Carmina Villaroel, Tanya Garcia at John Estrada.

* * *

Handang-handa na si Shaira Diaz sa kanyang challenging role sa upcoming GMA Telebabad series na “Lolong.”

Kamakailan ay ipinasilip ng Kapuso actress ang ilan sa paghahanda niya para sa kanyang fight scenes sa kanyang vlog.
Ibang klaseng face-to-face combat training ang kanyang pinagdaanan kasama ang co-star na si Ruru Madrid.

“By the way, before kami magkaroon ng ganito, nagpa-swab din kami para sigurado na safe ang bawat isa sa amin, para walang virus kaya okay naman. Safe naman basta siyempre ‘wag pa rin tayo magiging kampante sa paligid,” pahayag ni Shaira.

Ipinamalas naman ng dalaga ang kanyang mga natutunan sa rehearsal ng isang fight scene kung saan akmang sinugod siya ng tatlong armadong lalaki.

Talagang nagpaka-action star ang aktres sa upcoming action-drama series na ito kaya naman siguradong mapapa-wow dito ang kanyang mga tagasuporta!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan ang kaabang-abang na action-adventure series ng GMA Public Affairs na “Lolong”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending