Boy Abunda nilinaw na walang katotohanan ang ‘Wow Bulaga’: This is a fake poster
NILINAW ng tinaguriang King of Talk sa kanyang Kapuso program na “Fast Talk with Boy Abunda” ang balita patungkol sa “Wow Bulaga”.
Nitong Lunes, March 6, tinalakay ng TV host at talent manager ang chikang kumakalat na papalitan na raw ng “Wow Bulaga” ang longest noontime show na “Eat Bulaga”.
Ipinakita sa show ni Boy ang poster na siyang kumakalat sa social media kung saan makikitang nakasulat ang “Ang Bagong Barkada sa Tanghali!” kalakip ang logo ng GMA-7 at Television and Production Exponents (TAPE) Inc.
Bukod pa rito ay nasa sentro ang “Wowowin” host na si Willie Revillame kasama sina Allan K, Jose Manalo, Wally Bayola, Bretman Rock, Miguel Tanfelix, Tyronia Fowler, at Rosmar Tan na siyang magsisilbing mga “hosts” sa rebranded na noontime show.
“Nais lamang sabihin ng aming source, isang mapagkakatiwalaang source po dito sa GMA 7, that this poster is not true. This is a fake poster. ‘Yun ang pagkakasabi. Hindi po ito totoo,” saad ni Boy.
Hinikayat rin niya ang publiko na hintayin ang pahayag ng pamunuan ng programa at ng Kapuso network hinggil sa isyu.
“I want to make a stand, mayroong pinagdaraanang challenges ang Eat Bulaga pero antayin po natin ang kanilang official statement, ang official statement po ng GMA-7 para malaman po natin ang buong kwento, ang katotohanan so we can stop speculating,” sey pa ni Boy.
Baka Bet Mo: ‘Eat Bulaga’ may pinagdadaanang problema, sey ni Cristy Fermin: ‘Merong isang ehekutibo na gustong tanggalin’
Matatandaang marami ang kumakalat na balita patungkol sa “Eat Bulaga” na kasalukuyang nakararanas ng internal problem.
Ilan na nga rito ay ang posibilidad na pag-alis rin ng OG hosts ng programa na sina Tito, Vic, at Joey upang sumama kay Mr. Antonio Tuviera.
May mga chika rin na marahil ay ma-wipe out ang mga hosts at sumama sa TVJ kung sakaling lumisan rin ang mga ito.
Maging ang “Wowowin” host na si Willie ay nadadamay na rin sa isyu dahil ito raw ang papalit sa TVJ bilang main host ng programa.
Bukas naman ang Bandera para sa pahayag ng TAPE Inc., at GMA-7 patungkol sa isyu.
Related Chika:
TVJ muling kinanta ang theme song ng ‘Eat Bulaga’, netizens nag-react: ‘Mukha ngang totoo ang tsismis’
Boy Abunda dismayado sa rebelasyon ni Liza Soberano: ‘Masakit, lalo na para sa aming mga manager’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.