QC public schools magkakaroon ng 'asynchronous classes', ilang private schools balik online class dahil sa transport strike | Bandera

QC public schools magkakaroon ng ‘asynchronous classes’, ilang private schools balik online class dahil sa transport strike

Pauline del Rosario - March 04, 2023 - 05:31 PM

Balita featured image

INANUNSYO sa Quezon City ang pagpapatupad ng “asynchronous classes” sa lahat ng pampublikong paaralan sa lugar.

‘Yan ay dahil sa ikakasang isang linggong tigil-pasada ng mga tsuper na magsisimula sa March 6 hanggang 12.

Ibig sabihin niyan, walang pasok ang mga bata pero bibigyan sila ng aktibidad upang gawin sa kani-kanilang bahay.

Ibinandera ng nasabing lokal na pamahalaan ang anunsyo at heto ang nakasaad:

“Asynchronous classes, ipapatupad sa public elementary at high schools sa Quezon City sa buong linggo dahil sa transport strike.

“Ipauubaya naman sa private schools kung sila ay magsasagawa ng asynchronous or online classes.”

 Samantala, magiging “online classes” naman ang ilang unibersidad sa bansa.

Kabilang na riyan ang mga sumusunod na eskwelahan:

  • University of Sto. Tomas (UST)
  • Far Eastern University (FEU)
  • University of the Philippines (UP)
  • Adamson University
  • Mapua University
  • Ateneo de Manila University
  • University of the East (UE)
  • Polytechnic University of the Philippines (PUP)
  • National University
  • La Consolacion University Philippines
  • Cavite State University
  • Bulacan State University

 

Read more:

Tigil-pasada ng mga jeep itutuloy mula March 6 hanggang 12

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/341657/taguig-may-libreng-sakay-kasabay-ng-transport-strike-sa-march-6-12

LTFRB sa ikakasang transport strike: ‘We are ready…Kayang-kaya namin punan ‘yan’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending