Xian Lim itinangging may 'something' sila ni Ashley Ortega | Bandera

Xian Lim itinangging may ‘something’ sila ni Ashley Ortega

Therese Arceo - March 04, 2023 - 05:31 PM

Xian Lim itinangging may 'something' sila ni Ashley Ortega
NILINAW ng Kapuso actor na si Xian Lim ang kumakalat sa social media na palihim silang nagkikita ng aktres na si Ashley Ortega.

May kumakalat kasing chika sa social media na diumano’y patago silang nagkikita at dawit rin ang kanilang figure skating coach na si Ronan Capili.

“Matagal na kitang pinagmamasdan at inoobserbahan. Madaming balita mismo galing gma ang nakakarating sa akin na ikaw mismo ang kumukunsinti dyan kay Xian Lim at Ashley Ortega at sa lihin na relasyon nila.

“Coach ka na din pala ng panloloko ngayon. Paano mo naatim na tulungan ang Xian Lim na yan na lokohin si Kim? Paano mo nagawang maging daan para patagong magkita yan si Xian Lim at Ashley Ortega na yan at lokohin si Kim? Wag sana kumita yan show niyo, mga manloloko,” ito ang akusasyon ng netizen sa figure skating coach.

“The coach that you’re talking about is Coach Ronan, my coach since I started being on ice.

“Since day one, siya talaga ang naka-witness ng paghulog ko. And Coach Anna Bermudez, she’s here. She’s our consultant for Hearts on Ice,” pagbabahagi ni Xian.

Posible raw na nakikita ng mga netizens na magkasama sila ni Ashley tuwing may training at taping kaya naisip ng mga ito na may something sila.

“So, wala, e, public. Public yung skating rink. Hindi naman namin puwedeng ipasara kahit gusto namin for safety rin, baka makasagasa kami ng mga bata. So, we’re skating in public. So yung mga emote-emote namin nakikita ng public.

“Siyempre, nagtataka sila, ‘Bakit yung dalawa, nag-e-emote-emote rito?’ I think, that’s where it came from. And unlikely na sabihan nila is si Coach Ronan,” pagpapaliwanag ni Xian.

Aniya, ipinadala raw sa kanya ni Coach Ronan na in-charge sa kanilang choreo ni Ashley ang screenshots ng mga mensahe ng galit na fans.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alexander Xian Lim Uy (@xianlimm)

Siniguro rin naman ng aktor na magkatrabaho lang talaga sila ni Ashley para na rin matahimik ang madlang pipol.

Chika naman ni Ashley, “Kami ni Xian, we’re just friends. Siyempre, nakakatanggap din ako ng mga ganyang ano, almost every single day, pero dedma na lang ako.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Ashley Ortega inatake ng matinding takot dahil kay Carmina: Pero super sweet pala siya at napaka-humble

Ashley Ortega payag uling lumaban sa ice skating competition, pero…

Xian Lim pwede nang makipagsabayan kay Ashley Ortega sa figure skating

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending