Pinay na si Kathleen Paton isinalin ang korona bilang Miss Eco International kay Nguyen Thanh Ha mula Vietnam
ISINALIN ni Kathleen Paton, ang pangalawang Pilipinang itinanghal bilang Miss Eco International, ang korona niya kay Nguyen Thanh Ha mula Vietnam sa pagtatapos ng patimpalak sa Triumph Luxury Hotel sa Cairo, Egypt, noong Marso 3 (Marso 4 aa Maynila)
Dinaig ni Nguyen ang mahigit 30 kandidata upang maging unang reyna mula Vietnam. Wagi rin ang 19-taong-gulang na kandidata bilang Best in Eco Dress.
First runner-up naman si Ifunanya Basilia Ikochuwu mula Nigeria at second runner-up si Yuvna Gookool mula Mauritius, kapwa taga-Africa.
Isa pang Asyana ang kasama ni Nguyenh sa hanay ng mga nagwagi, si third runner-up Ratana Sokhavatey mula Cambodia. Binuo naman ang Top 5 ni fourth runner-up Genesis Guerrero mula Ecuador.
Ibinandera ang Pilipinas ni Ashley Subijano Montenegro, anak ni 1994 Miss World finalist Cara Subijano at model-host Hans Motenegro. Nagtapos siya sa Top 21.
Naitala ng Pilipinas ang una nitong panalo noong 2018 nang masungkit ni Cynthia Thomalla ang korona bilang Miss Eco International. Siya ang unang kandidatang ipinadala ng bansa sa pandaigdigang patimpalak.
Dalawa pang Pilipina ang naging first runner-up, si Maureen Montagne noong 2019 at Kelley Day noong 2021. Walang itinanghal na patimpalak noong 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.
Isa lang ang Miss Eco International pageant sa mga pandaigdigang patimpalak na nagsusulong sa pangangalaga sa kalikasan.
Related Chika:
Kathleen Paton wagi bilang Miss Eco International 2022
Miss Eco International Kathleen Paton naghahanap ng karagdagang pagkilos ng pamahalaan
Pinay beauty queen Kathleen Paton reynang-reyna sa tourism video ng Miss Eco International 2022
Catriona Gray sinalubong ng Vietnamese fans, guest judge sa Miss Universe Vietnam
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.