Kathleen Paton wagi bilang Miss Eco International 2022 Bandera

Kathleen Paton wagi bilang Miss Eco International 2022

Therese Arceo |March 18,2022
share this

Kathleen Paton wagi bilang Miss Eco International 2022

Therese Arceo - March 18, 2022 - 11:56 AM

Kathleen Paton wagi bilang Miss Eco International 2022

KINORONAHAN bilang 2022 Miss Eco International ang pambato ng Pilipinas na si Kathleen Paton.

Naganap ang coronation sa Triumph Luxury Hotel sa Egypt nitong March 17 (March 18 naman sa Pilipinas).

Kinabog ni Kathleen ang iba pang 40 aspirants sa beauty pageant kabilang na ang mga kandidata mula sa Belgium, United States, Spain at Malaysia.

Si Kathleen ang pangalawang Filipino na nagwagi ng korona buhat nang manalo si Cynthia Thomalla noong 2018.

Samantala, kahit na hindi naiuwi ang korona noong 2019 at 2021, nanalo naman na first-runner up ang mga representative ng Pilipinas na sina Maureen Montagne (2019) at Kelly Day (2021).

 

 

Wala namang naganap na Miss Eco International noong 2020 dahil na rin sa banta ng COVID-19.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon ni Kathleen na magwagi ng global beauty title dahil nakoronahan na rin siya noon bilang Miss Teen International 2017.

Matatandaang nakuha niya ang Top 21 spot matapos niyang magwagi ng award bilang Best in Eco Video.

Bilang 2022 Miss Eco International, mabibigyan siya ng oportunidad para mag-serve bilang United Nations ambassador para sa kalikasan.

 

Related Chika:
Pinay beauty queen Kathleen Paton reynang-reyna sa tourism video ng Miss Eco International 2022

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending