Eruption ibinunyag kung bakit natsugi sa 'Showtime', hindi na raw kailangan ang kanyang serbisyo | Bandera

Eruption ibinunyag kung bakit natsugi sa ‘Showtime’, hindi na raw kailangan ang kanyang serbisyo

Therese Arceo |March 03,2023
facebook
share this

Eruption ibinunyag kung bakit natsugi sa ‘Showtime’, hindi na raw kailangan ang kanyang serbisyo

Therese Arceo - March 03, 2023 - 02:15 PM

Eruption ibinunyag kung bakit natsugi sa 'Showtime', hindi na raw kailangan ang kanilang serbisyo
IBINAHAGI ni Eric “Eruption” Tai ang rason ng kanyang pagkakatanggal sa Kapamilya noontime program na “It’s Showtime” noong 2016.

Sa kanyang panayam kay Julius Babao na mapapanood sa vlog nito na uploaded noong February 23.

Pagkukwento ni Eruption, “Papasok na ako ng Showtime. Tapos kinuha ako nung producer. Sabi niya, ‘Puwede tayong mag-meeting muna?’ Umakyat kami sa taas.”

Noong mga panahon na raw na iyon ay may naramdaman na siyang kakaiba dahil bihira siyang ipatawag sa taas.

“And then I have a feeling that something is going on. And then sabi niya [producer], ‘Pasensiya na, Eric, nagkaroon kami ng reformat. Di na kailangan ang services mo dito,” pagpapatuloy ni Eruption.

Sa halip na kwestyunin ang desisyon ng management ay maluwag niya itong tinanggap at nagpasalamat pa sa producer ng show.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Eric “ERUPTION” Tai (@eruption23)

“Kasi kilala na ako dahil sa inyo. And I will always hold that to my heart na Showtime, maraming salamat. Direk Bobet [Vidanes], maraming salamat, Vice [Ganda], everyone there, thank you.

“Because I’m known as Eruption. I have a name now dahil sa inyo. I was able to get endorsements, my social media following jumped.”

Matapos ang kanyang pagkakatanggal sa programa ay kinausap naman siya ng mga dating kasamahan at very supportive ang mga ito sa bagong landaa na kanyang tatahakin.

Pagbabahagi ni Eruption, “They were, like, ‘Do what you need to do. Shine on your own. We hope that you’d be okay,’ yun lang. Lahat sila they sent their messages, ‘Hope you’re okay. You got this. Kaya mo ito.'”

Sa mga sumunod na buwan raw ay pinili niya na manahimik at hindi na isinapubliko ang mga nangyari.

Bukod kay Eruption ay kasabay niya ring nagpaalam sa programa si Coleen Garcia na asawa na ngayon ni Billy Crawford.

Matapos nga ang kanyang meeting sa producer ay napaisip siya kung ano na ang kanyang gagawin dahil wala na siyang trabaho.

Ipinagpasa-Diyos na lang ni Eruption ang lahat ng bagay at nagdasal siya.

Chika niya, “For some reason, when I was driving home pa lang, I had this sense of everything’s going to be okay.”

Di nagtagal ay sunud-sunod ang mga proyektong dumating kay Eruption.

“I got jobs left, right, and center. Bumalik ako sa teleserye, nag-Amazing Race kami. “I know that I wouldn’t be able to do these things kung nasa Showtime pa ako.

“So it was that time God told me, ‘You need to fly on your own, bro.’ Parang, ‘Spread your wings, Eruption. Tingnan mo kung ano ang kaya mong gawin basta andito Ako sa likod mo’,” sey niya.

Bukod pa rito ay naging parte rin siya ng iba’t ibang Kapamilya teleserye gaya ng La Luna Sangre (2018), Bagani (2018), at Ngayon at Kailanman (2019).

Ngayon ay maingay rin ang kanyang pangalan dahil sa viral dance craze videos niya gaya ng “Ting Ting Tang Ting”.

Related Chika:
Kim Chiu mas pinapaboran daw ng mga bossing sa ‘It’s Showtime’ kaya naeetsapwera si Karylle

Jhong Hilario lalayasan na nga ba ang ‘It’s Showtime’?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Karylle nag-leave muna sa ‘Showtime’ bilang paghahanda sa musical play na ‘The Sound of Music’

Anne Curtis magbabalik na sa ‘It’s Showtime’: AbangANNE!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending