Isa sa mga suspek sa Salilig hazing case sumuko na, 6 na iba pa sinampahan ng reklamo | Bandera

Isa sa mga suspek sa Salilig hazing case sumuko na, 6 na iba pa sinampahan ng reklamo

Pauline del Rosario - March 03, 2023 - 11:29 AM

Balita featured image

SUMUKO na sa mga awtoridad ang isa sa mga suspek na sangkot sa pagkamatay ng Adamson University student na si John Matthew Salilig.

Kinilala siyang Daniel Perry, 23, isa ring estudyante ng Adamson.

Ayon sa report ng Philippine National Police (PNP), personal na pumunta ang suspek sa tanggapan ni Cavite Governor Jonvic Remulla sa Trece Martires City.

Ayon kay Remulla, sumuko ang suspek dahil sa takot nito sa kanyang buhay.

“Yung bata ay natatakot sa panganib sa buhay niya, dahil lumaki na nang lumaki ang insidente, tapos nakonsensya na din,” sey ng gobernador.

Inamin din daw sa kanya ni Perry na isa siya sa mga naglibing sa bangkay ni Salilig.

“Kasama daw siya sa paghatid … tapos kasama din siya sa naglibing,” saad ni Remulla.

Sa ngayon, hawak na ng Cavite Police Provincial Office si Perry.

Samantala, anim sa mga miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity ang sumuko na sa Biñan City, Laguna police noong March 1.

Kinilala sila na sina Earl Anthony Romero, Tung Cheng Teng, Sandro Victorino, Michael Lambert Ritalde, Jerome Balot at Mark Pedrosa.

Nahaharap ang anim sa reklamong paglabag sa Anti-Hazing Act of 2018.

Magugunitang namatay ang 24-year-old na si Salilig dahil sa labis na pambubugbog sa babang bahagi ng kanyang katawan.

Ayon sa witness, 70 na beses itong pinalo ng paddle matapos sumali sa hazing ng welcoming rites ng nasabing fraternity.

Namatay si Salilig noong February 18, ang kaparehong araw na siya ay nawawala.

Huli siyang nakita sa Laguna na papunta sa nasabing initiation, ayon sa mga pulis.

Read more:

Vhong sumuko sa NBI matapos lumabas ang warrant of arrest sa kasong acts of lasciviousness na isinampa ni Deniece

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Enchong Dee kusang sumuko sa NBI para sa P1-B cyberlibel case

Vice Ganda binanatan ang mga opisyal na sangkot sa korapsyon: Utang na loob, bigyan n’yo kami ng hustisya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending