Vice Ganda binanatan ang mga opisyal na sangkot sa korapsyon: Utang na loob, bigyan n’yo kami ng hustisya | Bandera

Vice Ganda binanatan ang mga opisyal na sangkot sa korapsyon: Utang na loob, bigyan n’yo kami ng hustisya

Therese Arceo - September 04, 2021 - 03:32 PM

MULING binanatan ni Vice Ganda ang mga opisyal at ahensyang sangkot sa umano’y korapsyon sa gobyerno matapos ang naging panayam sa isang ReiNanay contestant.

Humanga ito sa contestant dahil nagagawa pa nitong hatiin ang maliit na halagang napanalunan sa show para makabili ng keypad para sa kaniyang mga estudyante.

“Samantalang ‘yong ibang government officials, kung magkano ‘yung ipinapatong nila sa mga kontratang pinangbibili nila na ibibigay kunyari sa mga eskwela, pang-medical equipments. Nakakaloka.

“Ten thousand na lang ‘yung pera niya, hinati pa. ‘Yung iba ang laki na ng cutkong niyo, hindi pa kayo nakuntento,

“Ang kakapal na ng mukha ng madami. Sana tablan naman ho kayo. Marami sa ating mga opisyales, maawa naman ho kayo, hirap na hirap na ‘yung mga tao,” paglalahad ng TV host.

Dito nga ay inisa-isa niya ang mga nababalitang isyu ng gobyerno tulad ng overpriced laptops at sanitary napkins na hindi na kapani-paniwala ang mga nagiging presyo ng bawat item.

May panawagan naman si Vice Ganda sa mga nakaupo sa kasalukuyang puwesto.

“Sa ating mga officials, bigyan n’yo po kami ng hustisya. Bigyan n’yo po ng hustisya ‘yung mga ninakaw sa aming mga Pilipino na taxpayers; kasi pera natin ‘yun,” saad niya.

Hinikayat rin niya ang madlang pipol na magparehistro at siguraduhin bumoto sa darating na eleksyon.

“Utang na loob, bigyan n’yo kami ng hustisya. Ang lala ng nakawan. Nakakaloka. Sa eleskyon talaga, please, huwag na tayo magpanakaw ulit.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending