Enchong Dee kusang sumuko sa NBI para sa P1-B cyberlibel case | Bandera

Enchong Dee kusang sumuko sa NBI para sa P1-B cyberlibel case

Reggee Bonoan |January 31,2022
facebook
share this

Enchong Dee kusang sumuko sa NBI para sa P1-B cyberlibel case

Reggee Bonoan - January 31, 2022 - 11:33 PM

Enchong Dee

BOLUNTARYO nang sumuko ang aktor na si Enchong Dee sa tanggapan ng National Bureau of Investigation o NBI kaninang hapon, Enero 31.

Ito’y para sa P1 billion-cyber libel na isinampa ni Drivers United for Mass Progress and Equal Rights (DUMPER) Rep. Claudine Bautista-Lim noong Agosto, 2021.

Matatandaang hindi nai-serve ang warrant of arrest kay Enchong ng mga otoridad sa ibinigay nitong address sa Cubao, Quezon City noong Miyerkoles, Enero 26, dahil hindi naman doon talaga nakatira ang aktor base na rin sa mga tagaroon dahil ang nasabing gusali ay paupahan lamang.

Base sa unang tsika sa amin ay hapon na nang dumating sa NBI si Enchong at hindi kaagad naayos ang mga dokumentong kailangan para makapagpiyansa kaya kailangan siyang ikulong pansamantala.

Pero pasado alas-nuwebe ng gabi ngayong araw ay nakatanggap kami ng tawag na nakapag-bail din si Enchong dahil naisumite naman kaagad ang mga papeles na kailangan kaya late night na siya pinauwi.

Marahil ay sinunod ni Enchong ang payo ni ‘Nay Cristy Fermin na mag-voluntary surrender ang aktor na binanggit niya sa kanyang online show na “Cristy Ferminute” nitong nakaraang linggo.

Ayon kay ‘Nay Cristy, “Ang pinakamagandang magagawa rito ni Enchong Dee ay ang voluntary surrender. Doon po siya pupunta sa judge na nag-issue ng warrant of arrest. Doon po sa sala na ‘yun ay pupuwede siyang maglagak ng piyansa.

“Hindi po puwedeng pagtaguan ito dahil lahat po ng sangay ng kapulisan ay pinadadalhan (kopya ng warrant of arrest).

“At heto pa po puwede ring magpiyansa si Enchong Dee dito sa Maynila basta hawak niya ‘yung WA niya kasi sa Davao Occidental ‘yan.

“Wag mong paliitin ang mundo mo, mag-voluntary surrender ka at kung magkano ang piyansa, kailangan mo talagang ibigay sa korte,” aniya pa.

Claudine Bautista-Lim nagsalita matapos kumalat ang cyber libel case laban kay Enchong Dee

Claudine Bautista-Lim nagsampa ng kasong cyber libel laban kay Enchong Dee

Secret fantasy ni Enchong, ‘kinky stuff’ sa eroplano; Erich 4 ang gustong anak

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending