Ogie Diaz: Yung 'Liza Soberano' ‘yan ang nagtaguyod sa pamilya mo, nabigyan mo ng bahay at magandang buhay ang daddy mo | Bandera

Ogie Diaz: Yung ‘Liza Soberano’ ‘yan ang nagtaguyod sa pamilya mo, nabigyan mo ng bahay at magandang buhay ang daddy mo

Reggee Bonoan |February 28,2023
facebook
share this

Ogie Diaz: Yung ‘Liza Soberano’ ‘yan ang nagtaguyod sa pamilya mo, nabigyan mo ng bahay at magandang buhay ang daddy mo

Reggee Bonoan - February 28, 2023 - 07:53 AM

Yung 'Liza Soberano' ‘yan ang nagtaguyod sa pamilya mo, nabigyan mo ng bahay at magandang buhay ang daddy mo

Ogie Diaz at Liza Soberano

NANG hingan namin ng reaksyon si Ogie Diaz tungkol sa “This is Me” vlog ni Liza Soberano ay sinabi niyang lalabas ito sa kanyang “Showbiz Update” YouTube channel.

Kahapon, Pebrero 27, sa “SU” vlog nga ni Ogie kasama sina Mama Loi, Ate Mrena at Dyosa Pockoh ay muling ipinalabas ang vlog ni Liza kung saan sinabi nitong siya’y 25 na ngayon at 13 years na siyang nagtatrabaho (simula pa raw noong 12 years old siya).

Binanggit ng aktres na nakagawa na siya ng anim na pelikula simula noong 2013 hanggang 2019 at mahigit 500 episode ng teleserye ang nagawa niyang romance-comedy at drama na pareho rin sa mga pelikula.

Isinawalat din niyang umikot lang siya sa pakikipagtrabaho sa tatlong direktor at iisang leading man sa movie outfit ng ABS-CBN at ni minsan ay hindi siya tinanong kung may input siya o ideyang ibibigay para sa sa project niya.

Unang reaksyon ni Ogie, “Simple lang po ang sasabihin ko hindi para iisa-isahin ang mga sagot ko para kay Liza Soberano sa kanyang ipinupunto kundi gusto ko na lang unawain ang kanyang kuwento at damdamin namin tungkol sa kanyang 13 years ng kanyang showbiz career.

“Kung sinasabi ni Liza na parang kino-control siya ng mga taong nasa paligid niya kung ako man ‘yan at ang Star Magic gusto kong magpasalamat kay Liza kasi sinunod niya kami kaya siguro sumikat siya.

“Imaginin ninyo kung walang nangyari sa career ni Liza noong hawak ko siya at ng Star Magic, malamang iba ang narating niya ngayon. At least okay na ‘yan kaysa namang nagra-rant na walang nangyaring maganda sa career,” sabi ng dating manager ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano)


Binasa ni Ogie ang sinabi ni Liza na, “I had always been told what to do, what to wear, what to say and what not to say. I know this was for my own good. It was to protect me and my career, but it was a career that I had no say in. A career that in many ways wasn’t mine. I didn’t even choose the name Liza, it was chosen for me.”

Kontra ni Ogie, “Anak, lagi kang binibigyan ng chance to say your piece, your opinion, your suggestions. Pinapakinggan ka rin naman kapag may complain ka pero di ba kung minsan we had to meet halfway? Pinagbibigyan mo naman ang production kapag nilambing ka nila and I thank you for that.

“Pakikisama ang tawag doon, pagtatanim for the future may aanihin. Hindi rin naman siguro ako magiging Ogie Diaz kung ako lang mag-isa. Nakisama at naki-PR din naman ako pag may gusto ka o ayaw isinaalang-alang din nila iyon, di ba?

“Tandaan mo anak, narating mo ang fame hindi lang dahil sa akin, suporta ng Star Magic, ABS-CBN at ng production staff dahil din ‘yan sa dedication mo sa trabaho. Dahil ‘yan sa ‘yo! Kaya palakpakan mo rin ang sarili mo, ha?

“Lahat ng narating mo pinaghirapan mo ‘yan anak para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya mo, sila ang inspirasyon mo kaya minahal mo rin ang career mo.

“Yung sinabi mong ‘I didn’t choose the name Liza, it was chosen for me,’ yung screen name na Liza Soberano na ibinigay sa ‘yo ni Tita Malou Santos ng Star Cinema, ‘yan ang nagtaguyod sa pamilya mo.

“Nabigyan mo ng bahay at magandang buhay ang daddy mo.  Nakakapagpadala ka rin ng tulong sa mommy mo sa States.

“Naibili mo ng bahay at lupa sa Amerika ang lolo at lola mo n kumupkop sa inyo ng kapatid mong si Justin noong nasa Amerika pa kayo.

“Lahat ‘yan ay dahil sa ‘yo, sa pagiging Liza Soberano mo. Mas isyu siguro ‘yung screen name mo kung hindi tumatak o tinangkilik ng mga Pilipino,” sabi ni Ogie.

At sinabi pa ni niya sa dating alaga na, “I wish you goodluck sa bagong bihis na Liza Soberano.”

Binaggit din ni Ogie na malaki ang utang na loob niya sa dating alaga dahil ang mga kinita nito bilang manager ay ipinambabayad niya sa sa hospital noong 2017 para sa anak nitong si Meerahkel na 6 years old na ngayon.

At nang maghiwalay na sina Liza at Ogie ay naalala niyang, ibinilin nito sa dalaga na kapag may kailangan siya ay nasa isang tabi lang si Ogie.

“Kaya sa mga bashers ko na sinasabing mukha akong komisyon na hindi ako ni-renew, sinabi pa na mukha akong pera at pinayaman naman ako at kung hindi dahil kay Liza ay mamamatay ako sa gutom, Darling, no man is an island. Pag hindi ninyo alam ang meaning ‘yang, baka kayo ang mamatay sa gutom,” mariin pang sabi ni Ogie.

Liza ibinandera ang mga ‘ganap’ sa buhay, sey sa bagong career: I’m finally taking control of my life

Kylie naniniwala pa rin sa forever kahit nakipaghiwalay kay Aljur?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paalala ni Herbert kay Kris pagkatapos ilaglag sa rally ni VP Leni: Pagaling ka, kumain ka ng marami

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending