Mag-ama sa Cambodia tinamaan ng ‘bird flu’, batang babae patay – W.H.O
PATAY ang 11-anyos na batang babae sa bansang Cambodia matapos magpositibo sa Avian Influenza A (H5N1) o “bird flu.”
Ayon sa World Health Organization (W.H.O.), ito ang kauna-unahang human infection na naitala sa nasabing bansa mula pa noong 2014.
Base pa sa ulat, ilan sa mga naging sintomas nito ay mataas na temperatura ng lagnat, ubo at sore throat.
Isinugod sa ospital ang bata ngunit kalaunan ay namatay.
Ang kanyang ama ay positibo rin sa bird flu, pero siya ay “asymptomatic” o walang sintomas.
Dahil sa nangyari, nagbabala ang mga opisyal sa publiko na huwag hahawakan ang mga may sakit at patay na mga ibon.
Walong taon na ang nakaraan mula nang nakapagtala ng kasong bird flu sa Cambodia na kung saan ay nagkaroon ito ng 56 human cases at 37 diyan ay malala ang kondisyon.
Ayon sa W.H.O., bihira lamang ang human infection ng bird flu pero ang may higher risk ng nasabing virus ay ‘yung mga taong nagtatrabaho sa mga infected na poultry.
Mula taong 2021, nakapagtala na ang W.H.O. ng walong human cases ng bird flu at kabilang sa mga bansa ay ang China, India, Spain, United Kingdom at United States.
Read more:
Kaso ng ‘isolated’ bird flu natukoy sa bayan ng Ibaan sa Batangas
Pangasinan iwas-bird flu, bawal muna ang pagpasok ng poultry products
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.