Alfred Vargas feeling 'prinsipe' nang makatambal si Camille Prats sa 'AraBella': 'Bakit? Kasi kasama ko si Princess Sarah!' | Bandera

Alfred Vargas feeling ‘prinsipe’ nang makatambal si Camille Prats sa ‘AraBella’: ‘Bakit? Kasi kasama ko si Princess Sarah!’

Ervin Santiago |February 27,2023
facebook
share this

Alfred Vargas feeling ‘prinsipe’ nang makatambal si Camille Prats sa ‘AraBella’: ‘Bakit? Kasi kasama ko si Princess Sarah!’

Ervin Santiago - February 27, 2023 - 05:58 AM

Alfred Vargas feeling 'prinsipe' nang makatambal si Camille Prats sa 'AraBella': 'Bakit? Kasi kasama ko si Princess Sarah!'

Camille Prats at Alfred Vargas

TODO ang pasasalamat ng actor-public servant na si Alfred Vargas sa GMA 7 dahil patuloy pa rin siyang binibigyan ng magagandang proyekto ng network.

In fairness kay Konsehal Alfred, talagang hindi niya tinatalikuran ang mundo ng showbiz na naging bahagi na ng kanyang buhay sa loob ng maraming taon, kahit na napadpad na siya sa public service.

At ngayon nga, bukod sa paglilingkod bilang konsehal sa Quezon City ay pinagsasabay din niya ang pag-aaral,  pag-aartista at ang pagiging ama at asawa.

Huling napanood si Alfred sa Kapuso series na “Unica Hija” at kasunod nga nito ay ang pagbibida niya sa upcoming GMA Afternoon Prime drama na “AraBella” kasama sina Camille Prats at Wendell Ramos.

“It’s a very compelling show. This time naman, full-time na ako, from start to finish,” chika ni Alfred sa panayam ng GMA Network.

Kuwento ni Alfred, relate na relate uli siya sa role niya sa “AraBella”  dahil tatay na rin siya sa tunay na buhay, “In a way (nakaka-relate) na gagawin mo ang lahat para sa anak mo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alfred Vargas (@alfredvargasofficial)


“Siguro, yung mga questions like, ‘Ano ba ang ibig sabihin ng family? Dapat ba kadugo or you can choose your family?'” ani Konsi.

Puring-puri naman ni Alfred ang Kapuso young actress na si Shane Sava, na naging anak niya sa Kapuso series na “Legal Wives.”

“Anak-anakan ko siya rito. Ang galing na bata, parang kahit ako, nadadala ako. Bagay na bagay sa kanya ang role niya,” sabi ni Alfred.

Isa pa sa mga young actress na kasama ni Konsi sa serye ay si Althea Ablan, “She’s very versatile. You will not think na yung isang 18 years old, ganu’n kahaba ang range niya.

“Ang galing niya kasi may pagkakontrabida siya rito. Ang galing niya sa mga eksena, kaya niyang sabayan ang veteran actors,” aniya pa.

Samantala, nagbiro naman si Alfred sa tambalan nila ni Camille Prats sa nasabing serye. Ito ang magsisilbing comeback series ni Camille sa GMA makalipas magpahinga sa pag-arte nang mahabang panahon.

“First time ko makatrabaho si Camille Prats, feeling ko prinsipe ako. Bakit? Kasi kasama ko si Princess Sarah!” ang birong pahayag ni Alfred sa nasabing panayam na ang tinutukoy ay ang pelikulang ginawa ni Camille noong nasa ABS-CBN.

Bukod sa “AraBella”, naghahanda na rin si Konsi sa shooting ng dream movie niya, ang “Pieta” kung saan makakasama niya sina Superstar Nora Aunor at award-winning actress-director na si Gina Alajar, sa direksyon ni Adolf Alix, Jr..

Anak nina Ricky at Jackielou artista na rin; type makatrabaho si Joshua Garcia

Alfred Vargas kinakabahan na sa gagawing pelikula kasama si Ate Guy; iiwas na sa mga plastik at nega sa 2023

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alfred Vargas umakyat ng ‘ligaw’ kay Ate Guy: ‘Sobrang kaba…inalok niya akong kumain ng buchi, ng pizza saka pancit’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending