Zeinab Harake gustong kuning ninang ng mga netizens matapos magbigay ng P100k na pakimkim
“SANA all ninang si Zeinab Harake!” Yan ang sigaw ng mga netizens matapos mag-viral ang isang video kung saan nagninang siya sa kanyang pamangkin.
Bentang-benta ngayon sa social media ang vlog ng kapatid ni Zeinab na si Rana Harake kung saan mapapanood ang preparasyon nila para sa kaarawan kanyang anak na si Niesha.
Dito nga mapapanood si Zeinab na nagsabing bibigyan na lang niya ng cash ang kanyang pamangkin dahil wala raw siyang nabiling regalo para sa bagets.
Sey ng content creator, reregaluhan daw niya ng P100,000 ang pamangkin sa birthday nito, “Niesha, tumatanggap ka ba ng cash? Bibigyan na lang kita ng 100k check.”
“Ay, mapupunta lang sa ina ‘yon, sure ka ba?” ang pabirong hirit naman sa kanya ni Rana.
View this post on Instagram
“Kaya ko nga tinatanong kasi wala akong regalo, eh ninang ako nito,” sagot uli ni Zeinab sa kapatid.
Joke, joke, joke namang sey ni Rana, buti na lang daw hindi niya inaanak ang pamangking si Bia, ang anak nina Zeinab at dating partner na si Skusta Clee.
Kasunod nito, bumaha nga ng comments sa vlog ni Rana at halos lahat ay nagsabing sana raw ay ninang din na si Zeinab dahil galante pala ito pagdating sa kanyang mga inaanak.
* * *
Magka-duet ang dating “The Voice Philippines Season 2” contestant na si Poppert Bernadas at ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez para sa bagong labas na awitin na pinamagatang “Bitaw.”
Ipinrodyus ni Poppert at ng A Team ang kanta na umiikot sa pagkakaroon ng taong magpapaalala na bitawan ang mga negatibong bagay na nakakaapekto sa sarili.
“It’s ok to let go especially if you know you’re at the losing end. It suggests that even if it’s difficult, while it is still early, protect your heart from all the hurt and pain by letting go,” saad ni Poppert sa naging inspirasyon niya sa paggawa ng kanta na inilunsad ng Star Music.
View this post on Instagram
Naisakatuparan ang kanilang duet nang mag-offer si Regine na pumalit sa orihinal na collaborator ni Poppert matapos itong mag-back out dahil sa magkaibang schedule. Ayon kay Poppert, hindi niya inakala na makakasama niya si Regine sa isang awitin.
“I am amazed how she works during our recording, kasi binigay niya lahat! It took almost two hours to record her part. Since she was very invested to the song, she added some vocal background to it,” sabi ni Poppert. “Never in my wildest dreams na maka-collab ko ang nag-iisang Songbird si Ms. Regine Velasquez #DreamsDoComeTrue.”
Bukod sa kanyang musika, nakilala rin si Poppert sa kanyang pagganap bilang Rio sa ABS-CBN teleserye na “Ang Sa Iyo Ay Akin” at bilang Kanor sa “Starla.”
Naging bahagi rin siya ng hit musical na “Rak of Aegis” kung saan gumanap siya bilang Kenny. Isa rin siya sa tatlong male theater performers na nanguna sa Cultural Center of the Philippines concert series na “Triple Threat: Three Tenors” noong 2022. Si Poppert ay nasa ilalim ng management ng A-Team ni Ogie Alcasid at ng Star Magic.
Maricel pinatunayang hindi umaasa si Meryll sa kayamanan ni Willie
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.