Maricel pinatunayang hindi umaasa si Meryll sa kayamanan ni Willie Bandera

Maricel pinatunayang hindi umaasa si Meryll sa kayamanan ni Willie

Reggee Bonoan |June 16,2021
share this

Maricel pinatunayang hindi umaasa si Meryll sa kayamanan ni Willie

Reggee Bonoan June 16,2021 - 08:52 AM

SA ikalawang bahagi ng vlog ni Meryll Soriano sa YouTube kung saan special guest ang tita niyang si Maricel Soriano ay sinabi ng Diamond Star na bilib na bilib siya sa kanyang pamangkin.

Sabi ni Maria, kahit daw kasi  napakayaman na ng tatay nitong si Willie Revillame ay never umasa sa TV host si Meryll.

Napag-usapan kasi kung paano kapag nagpapa-breastfeed ang anak at may work, inamin ni Meryll na hirap siya lalo na nu’ng gumawa siya kamakailan ng isang episode ng “Maalaala Mo Kaya”.

“Hindi ko kaya, kasi okay lang na mag-breast pump ka tapos uuwi ka, e, ngayon hindi ka na uuwi (lock in taping),” say ng aktres.

Sabi rin ni Mama Mary na mahirap sa mga bagong mommy ang mag-work, “Kasi mamimili ka. Kasi gusto mo ring kumita ng sarili mong pera kahit mayaman ang tatay nito (sabay turo sa pamangkin).

“Pero siya may paninindigan na hindi siya umaasa sa tatay niya. Iyon naman ang ikinatuwa ko sa batang ito hindi siya kagaya ng iba na asa lang ng asa may paninindigan gusto ko ‘yun!” pahayag pa ng beteranang aktres.

“Never!” sambit ni Meryll na umasa sa amang si Willie. “Kasi nga mana ako sa ‘yo (sa tiyahin).”

Katwiran naman ng Diamond Star, “Kasi tayo tawagin na nilang fried chicken, fried potato, fried egg sabihin na nila (lahat), pero mas mainam talaga ‘yung naghahanap buhay tayo. Alam mo na ‘yung pride nating mga babae.”

Batak daw sila sa trabaho dahil nagsimulang magtrabaho ang Diamond Star sa edad na 6 at si Meryll naman ay 9 kaya sanay silang magtrabaho at hindi nakasanayan na nakaupo lang at nakasahod ng kamay sa mga taong inaasahan.

“Nasubukan ko na rin namang magbakasyon nang matagal, pero iba pa rin ‘yung may work,” pahayag pa ni Mama Mary.

Dagdag pa niya, “You can buy anything you like because it’s your money, honey!”

Samantala, ibinuking ni Marya na may gagawin silang pelikula ng pamangkin kaya nagpapayat siya at nagpapa-tan. Gagampanan kasi ni Meryll ang batang Maricel.

“So, magpapa-tan din ako? Paano?” tanong ni Mama Meme.

Sabi pa, “Sana magkasama tayo sa iisang frame kaso hindi naman puwede.”

Anyway, marami silang napag-usapan tungkol sa anak ni Meryll na si Guido na hindi pa mapabinyagan dahil hinihintay ang pagdating ng nanay ng una na si Bec Bec.

“Oo nga, inggit na inggit na sa akin ang tunay na lola, si mommy 1 kasi iniinggit ko kasi hawak ko si Guido,” nakatawang sambit ni Maricel.

“Ganyan yang magkapatid na ‘yan, nag-iinggitan,” saad naman ni Meryll.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending