Vice Ganda sa ‘open letter’ ni teacher: Baka ‘di n'yo alam na ang YORMEME ay running joke, sana po'y ‘di n'yo sineryoso | Bandera

Vice Ganda sa ‘open letter’ ni teacher: Baka ‘di n’yo alam na ang YORMEME ay running joke, sana po’y ‘di n’yo sineryoso

Pauline del Rosario - February 26, 2023 - 05:29 PM

Vice Ganda sa ‘open letter’ ni teacher: Baka ‘di n'yo alam na ang YORMEME ay running joke, sana po'y ‘di n'yo sineryoso

PHOTO: Facebook/Vice Ganda

SINAGOT na ng komedyanteng si Vice Ganda ang isang guro na nagpaabot ng “open letter” para sa kanya.

Ayon kay Vice, dapat hindi sineseryoso ng mga manonood ang kanyang karakter bilang “YorMeme” sa noontime show na “It’s Showtime.”

Nito lamang, naging usap-usapan kasi sa social media ang ang isang segment sa nasabing show na kung saan ay nagbiro si “YorMeme” na ipagbabawal niya sa mga guro ang pagtatawag ng mga estudyante na hindi nagtataas ng kamay tuwing may recitation, pati na rin ang pagbabawal na mag-exam ang mga nakapag-review.

Ngunit mukhang hindi ito nagustuhan ng isang guro at pinost sa social media ang kanyang “open letter” para sa komedyante.

Ayon sa bahagi ng post ng guro, “Calling students who are not raising their hands is never wrong and never will be.”

“This effective strategy creates an expectation that all students are ready to answer every question. Guess what? This has been proven to promote attention, engagement, and participation,” patuloy niya.

Dagdag pa ng guro, “Hindi pagpapahoya ang tawag diyan. Maging aral sana ito sayo na bago ka maglahad ng iyong kuro-kuro ay dapat munang alamin mo kung may kabuluhan ba ito.”

Mukhang nakarating nga kay Vice Ganda ang open letter at kaagad naman niya itong sinagot.

Sa una ay sumang-ayon ang komedyante sa naging pahayag ng guro, ngunit pinaalala niya na isa lamang karakter si “Yormeme” at puro biro lamang ang mga sinasabi niya.

“Tama naman po ang karamihan sa mga sinabi ninyo. Matalino po ang pagkakalahad ninyo ng mga argumento ninyo. Mukhang alam na alam po ninyo ang mga sinasabi ninyo. Hanga po ako,” tweet ni Vice.

Ani ng komedyante, “Yun nga lang po at baka hindi n’yo alam na ang ‘Yormeme’ ay isang RUNNING JOKE! Lahat po ng sinasabi ni Yormeme ay mali. Si Yormeme ay isang huwad at magnanakaw na pulitiko. Isa s’yang maling tao.”

Giit pa niya, “Sana po’y di n’yo siya sineryoso. Kahanga-hanga po ang matalino at maalam. Pero ok din po ang may sense of humor paminsan-minsan.”

Dahil sa naging isyu, samu’t-saring reaksyon ang naglabasan patungkol sa mga nagiging joke ni Vice.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“I’m a teacher in a public school. I’m not offended by vice coz I know it’s all in good fun. I’m one of those teachers din na tinatawag ang batang hindi nagre-raise ng hand but I also make sure na hindi mapapahiya ang bata at ang atmosphere sa loob ng klase ay full of love lagi,” saad ng isang nagpakilalang guro.

Comment naman ng isang netizen, “Siguro if the creative team is creating that a meme or joke segment, just at least gumawa na lang kayo ng subject na hindi nakaka-offend para sa iba? again vice, ito na naman tayo, sa inyo joke lang ‘yan pero para sa iba hindi. kung ‘di pa rin kayo matututo, kayo na talaga ang mali.”

Hirit ng isa pa, “Kung lahat ng biro ay seseryosohin wala ng mag papatawa, (hindi lahat ginagawang biro) hindi din lahat dapat sineseryo, if it doesn’t fit you just simply don’t wear it, ikaw lang masasaktan pag pinilit mo ‘yung bagay na hindi para sayo, a comedian is responsible for–”

Sey naman ng isang nag-tweet, “Baka ‘di nya lang gets meme ‘yun satire. We understood the jokes. We appreciate the effort na magpasaya at magpatawa ng madlang people at mga kapamilya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related chika:

Bea gumawa ng love letter para sa fans: Change is always scary, but it can also be beautiful…

Dennis Padilla apektado sa open letter ng anak: I am sorry Leon, miss ko lang kayo…

John Lloyd hindi pa exclusive sa GMA, pero second season ng ‘Happy ToGetHer’ kasado na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending