Pokwang ibinandera ang ‘paghihiganti’: Dapat fit and healthy para sa mga anak! | Bandera

Pokwang ibinandera ang ‘paghihiganti’: Dapat fit and healthy para sa mga anak!

Pauline del Rosario - February 26, 2023 - 11:16 AM

Pokwang ibinandera ang ‘paghihiganti’: Dapat fit and healthy para sa mga anak!

PHOTO: Instagram/@itspokwang27

IBINUNYAG na ng comedienne-actress na si Pokwang ang kanyang paghihiganti matapos ang paghihiwalay nila ng dating karelasyon na si Lee O’Brian.

Ito raw ay ang maging fit at healthy hindi lang para sa ibang tao, kundi sa kanyang mga anak.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinandera ng komedyante ang video ng kanyang pag-eehersisyo.

Kalakip niyan ang caption na, “The best revenge is to be fit and healthy, not to impress someone or anybody, dapat fit para sa mga anak lalo na kung single mom ka [thumbs up emoji] hindi dapat sinisisi ang isang ina kung napabayaan ang katawan kaya naghanap ng iba si mister.”

Inihayag din niya na dapat hindi sinisisi ang isang ina sakali mang napabayaan nito ang kanilang mga katawan.

Ang dahilan daw nito ay mas inuuna nilang isipin ang pag-aalaga at kapakanan ng kanilang mga anak.

“Siguro kaya napabayaan kasi kakaalaga sating mga anak? kakaisip paano tayo palalakihin ng maayos? hindi makapagpa-salon kasi kulang sa budget? kakainin na lang ng mga anak, pang baon sa school pang tuition fee [happy face emoji],” saad niya sa post.

Panawagan pa niya, “Kaya ‘wag natin kutyain ang katawan ng isang babae lalo na kung nanay dahil para mo na rin sinisi sarili mong ina na nagpabaya dahil sa pagmamahal sayo [red heart emojis].”

Paalala pa niya sa publiko na hindi importante ang may magandang katawan dahil pagdating ng panahon ay nawawala rin ito.

Ani Pokwang, “Ang ganda ng katawan ay kumukupas at babalik sa alabok pero pagmamahal ng isang anak ay walang kamatayan [red heart emojis]”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

Kung maaalala, isa sa mga rason kaya niya hiniwalayan at pinalayas ang dating partner dahil anim na taon na itong naging palamunin at walang ibinibigay na child support para sa anak nila na si Malia.

Nakwento pa niya sa programang “Fast Talk with Boy Abunda” na marami siyang binigay na tsansa kay Lee upang ayusin ang kanilang samahan para sa kanilang anak at umabot pa nga raw sa puntong nagawa niyang magsinungaling sa publiko.

“Mahal ko [pa siya]. Sa totoo lang mahal ko siya kaya ko nga nagawang magsinungaling e, pagtakpan ko siya dahil umaasa akong magkakabalikan pa kami,” pag-amin ni Pokwang.

Inamin ni Pokwang na siya na mismo ang nagpaalis kay Lee sa kanilang pamamahay dahil sa tingin niya ay mas mabuti na ito kaysa makita sila ni Malia na nag-aaway at nagsisigawan.

Related chika:

Ai Ai super healthy, seksing-seksi sa edad na 57; 6 years nang lumalafang ng organic at gluten-free

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alden Richards nagpa-yummy nang bonggang-bongga; binago ang lifestyle: Mas masarap po sa pakiramdam!

Jolina feeling Cinderella sa mamahaling sapatos na iniregalo ni Regine: Na-shock ako, kumasya! Fit na fit!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending