Maggie Wilson sa pananahimik sa socmed: There is a newborn baby involved
NAGPALIWANAG ang beauty queen-entrepreneur na si Maggie Wilson hinggil sa kanyang biglang pananahimik sa social media.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram story ay naglabas siya ng pahayag patungkol sa hindi muna pagsasalita.
Kuwento ni Maggie, marami raw nagtataninf sa kanya kung bakit siya nananahimik sa social media at hindi sumasagot sa isyu kaugnay ang kanyang anak pati na rin ang prenup agreement.
Saad ng controversial personality, “In the last few days, I have heard some challenging news. Although there are many things I can say or actions I could take, morally, it would be wrong to do so.”
View this post on Instagram
Aniya, huwag raw sanang isipin na sumuko na siya at hindi na lalaban dahil nagdadahan-dahan lamang siya dahil may ibang involved.
“Don’t think I’m not fighting, but sometimes in life, like when there is a new born baby involved, we have to take a step back,” lahad ni Maggie.
Nakiusap naman ito na sana’y ipanalangin ang kalagayan ng batang sangkot sa kaguluhan nila lalo na’t isa rin siyang ina.
“I would like ask that you say a littler prayer for the baby. After all, I too am a mother who would never wish ill on any child,” sey pa ni Maggie.
Well, isa ang personalidad sa talagang pinag-uusapan lately ng mga Marites dahil sa isyung kinakaharap nito sa estranged husband na si Victor Consunji.
Bagamat hiwalay na sina Maggie at Victor, nananatiling may bisa pa rin ang kanilang kasal dahil hindi pa sila naa-annul.
Related Chika:
Maggie Wilson inalok ng pera para magpa-interview tungkol sa paghihiwalay nila ng ex-dyowa: ‘I never agreed’
Maggie Wilson naglabas ng resibo na wala silang pre-nuptial agreement ni Victor Consunji
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.