Rocco Nacino tuwang-tuwa nang magsimula nang mag-giggle ang anak: ‘Grabe! Ang bilis talaga ng panahon!’
ENJOY na enjoy ang Kapuso actor na si Rocco Nacino sa pagiging hands-on tatay sa anak nila ni Melissa Gohing na si Baby Ezren.
Hindi nga raw namalayan ni Rocco ang paglipas ng panahon at four months old na ngayon ang kanilang panganay na napakarami na raw paandar.
Masayang ibinalita ng aktor na nakakausap at nagkakaintindihan na sila kahit paano ng kanyang anak.
At kahit daw ang asawa niyang volleyball player ay tuwang-tuwa sa mga developments na nakikita at nae-experience nila kay Baby Ezren.
“My boy, the giggles have started, and we’re starting to understand what you need from us,” ang simulang pahayag ni Rocco sa caption na inilagay niya sa kanyang Instagram post.
View this post on Instagram
“The level of communication we’re building more and more is becoming evident. Grabe, kay bilis nga!” aniya pa.
Nabanggit din ng Kapuso actor na na nagiging emosyonal daw these days ang wifey niyang si Melissa sa bilis ng paglaki ni Ezren.
“Minsan, naiiyak ang mommy mo kasi soon maglalakad ka na. Namimiss na niya agad ang pagiging newborn mo.
“But then, you are showing us the beauty of raising a child. To guide, to teach, to help explore.
“Aside from you, we are also learning new things about you, and new ways of helping you develop your best self,” chika pa ni Rocco.
Nagpasalamat din siya sa kanyang anak sa sobrang kaligayahang nararamdaman niya ngayon, “Thank you for always being a good boy, our panganay Happy 4 months Ezren!”
Pagkatapos ng special apperance ni Rocco sa hit historical portal fantasy series ng GMA 7 na “Maria Clara at Ibarra”, bibida naman siya sa mystery drama series na “The Missing Husband.”
Maine 6 years na sa showbiz: Ang bilis! Ang dami na ring nangyari at wala na akong mahihiling pa!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.