I-text kay Madam Sophia | Bandera

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia - October 09, 2013 - 03:00 AM

Mula kay Carlo ng …5823, Surigao Del Sur. Kailan po ba ako magkakaroon ng regular at magandang trabaho, lagi po kasing contractual lang ang napapasukan ko? July 2, 1988 ang birthday ko.
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong October 2, 1988 sa taong kasalukuyan bago sumapit ang pasko sa edad mong 25 pataas magkakaroon ka na ng trabahong regular sa isang kumpanya na may kaugnayan sa pagkain.  
>>>
Mula kay Abegail ng …7993 ng Toril, Davao City. Paano po ba ganahan sa sex, wala na kasing gana sa sex ang mister ko mula ng siya ay ma-aksidente sa pagmo-motor?
Tugon ni Madam Sophia: Kung na-aksidente ang mister mo sa pagmo-motorsiklo at matapos ng pangyayaring iyon ay nawalan na siya ng gana sa sex, malamang na may “physical na problema” sa mekanismo ng kanyang pagkalalaki. Ang pinaka-mabuti mong magagawa sa ngayon ay kumunsulta sa doctor. Ganon paman, kung walang makitang problemang pisikal sa iyong mister, madali lang para muli siyang ganahan sa pakikipag-sex sayo, una lagi mo siyang pakainin ng masusustansya at masasarap na pagkain, at kailangan ding regular siyang nagte-take ng vitamin supplements. Sa ganyang paraan, naka-kundisyon ang kanyang katawan sa pakikipag-sex, siguradong pagdating ng gabi mas madali na siyang gaganahan. Ang mga pagkaing ginagamit bilang pangunahing rekado ay pinaninilawaan ding nagpapagana sa sex kung regular itong kakainin, tulad ng luya, sibuyas, bawang at sili, ganon din ang lahat ng uri ng nuts, tulad ng mane, almods, at iba pang kauri nito.Ang pag-inom ng kape bago makipagtalik ay pinaniniwalaan ding nagpapagana at nagpapalakas ng resistensiya sa pakikipag-sex.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending