PAGASA: 2 LPA, hanging amihan magpapaulan sa bansa
DALAWANG Low Pressure Area (LPA) ang kasalukuyang binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
“Sa kasalukuyan nga, meron tayong dalawang mino-monitor na Low Pressure Area. ‘Yung isa, nasa loob at isang nasa labas ng ating Area of Responsibility,” sey ng Weather Specialist na si Veronica Torres sa isang press briefing ngayong February 16.
Dagdag niya, “Itong nasa loob, huling namataan sa 750 kilometers east ng Hinatuan, Surigao Del Sur at ang nasa labas naman nasa 1,340 kilometers silangan ng Eastern Visayas.”
Gayunpaman, sinabi ng PAGASA na hindi naman inaasahang magiging bagyo ang mga LPA ngunit pwede pa ring mag-iba ang forecast nito sa mga susunod na oras o araw.
Saad ng weather specialist, “Itong mga Low pressure Area na ito, nananatiling mababa ang tsansa na maging bagyo pero hindi pa rin natin tinatanggal ag possibility na ito ay nag-develop, maging bagyo sa mga susunod na araw o sandali.”
Dahil sa “Through” o buntot ng LPA na nasa Mindanao ay asahan na magiging maulap at may kalat-kalat na pag-ulan sa Caraga, Davao Region, Northern Mindanao, at Zamboanga Peninsula.
Mararanasan naman ang pakana-kanang pag-ulan sa nalalabing bahagi ng Mindanao dahil din sa epekto ng “Through” ng LPA.
Bukod sa Mindanao area, asahan din ang mga mahinang pag-ulan sa Metro Manila, ilang bahagi ng Luzon at Visayas dahil sa “Northeast Monsoon.”
“Itong Northeast Monsoon naman o Amihan ay nakakaapekto dito sa may Luzon, pati na rin sa may Visayas,” ayon sa press briefing.
Read more:
PAGASA: LPA inaasahang papasok sa bansa, patuloy na nagpapaulan
JM de Guzman: Hindi ko alam kung magmamahal ako ulit
LPA sa Mindanao posibleng maging bagyo, ‘gale warning’ nakataas sa malaking bahagi ng bansa
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.