Dimples Romana may mga paalala mula sa mga teleserye niya sa bahay niya
PATOK na patok ang pagganap ng aktres na si Dimples Romana sa papel na “Daniella Mondragon” sa “Kadenang Ginto” na kumalat sa social media ang memes at ilang eksena mula sa teleserye. At upang maipaalala sa kanya kung ano ang naging ambag ng papel sa buhay niya, makikitaan ng pula ang mga lugar na tinutuluyan niya.
“From the savings from the teleseryes, I often name the spaces I acquire based on my series. One of them is ‘Dani,’ so you will see a lot of red. I pay homage, to serve as a reminder for me,” sinabi niya sa isang press conference sa showroom ng Genteel Home sa Bacolor, Pampanga, noong Peb. 11.
“It is not a secret that I started working at a young age. Back then, I only aspired for the things that I could afford. But there’s nothing wrong with dreaming. All these things come to mind every time I buy property,” dinagdag ni Romana, na ginagampanan naman ngayon ang papel ng isa pang stylish na babae, si Selene Acosta, sa patok na action series na “The Iron Heart.”
Kapwa nagpamalas na kahanga-hangang styling sina Daniella at Selene, at sinabi ni Romana na bunga ito ng maraming impluwensya mula sa iba’t ibang mga tao. “I wish I could say it was just me, but that would be a lie,” bulalas niya. Para sa fashion, malaking impluwensya umano para sa kanya ang stylist na si Bang Pineda. Bilang aktres naman, si “Star for All Seasons” Vilma Santos ang kaniyang inspirasyon sa buhay.
“I think as I was growing, I reached a certain level of taste,” ibinahagi ni Romana. At makikita ito hindi lang sa fashion niya. Kapag bumibili siya ng muwebles para sa mga tahanan at opisina niya, sinabi niyang kumukuha siya ng mga bagay na tila hindi tumutugma.
“I have several pieces in different parts of my home that are not there to fit in, they are actually there to stand out, and they remind me that I cannot fit in all the time, I have to shock people,” ipinaliwanag ni Romana.
At kung halaw sa mga tauhang ginampanan niya ang mga tahanan niya, binibigayn naman siya ng mga ito ng inspirasyon upang patuloy pang magsumikap. “I have to let them know that at some point I have to do something you have not seen me do, hence, the Selene character. I’m doing things you have not seen me do before, that makes me proud as a person. These are all affected by the things I see in the house,” aniya.
“So just because a piece of furniture doesn’t seem like it fits in your house doesn’t mean it will not serve its purpose. It’s inspiring you to go outside the box, to become unique. There’s a piece that stands out, that’s what you need. We need to stand out in order to be chosen for any kind of job,” dinagdag ni Romana.
Kasalukuyang napapanood ang aktres na nakikipagbakbakan sa “Iron Heart” na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez. Sinabi ni Romana na guest role lang dapat ito, bilang unang proyekto makaraang magsilang walong buwan pa lang ang nakararaan, ngunit nadaragdagan na ang mga eksena niya. At nilalasap niya ang pagkakataong makapagpakita ng bagong kulay sa pagiging aktres niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.