Fil-Am singer Steve Lacy ‘super proud’ sa first-ever Grammy award: It means the world to me
ISANG Pinoy pride moment ang ibinandera ng Filipino-American singer na si Steve Lacy.
Naiuwi niya kasi ang kanyang kauna-unahang panalo sa 65th Grammy Awards na naganap sa Los Angeles nitong February 6.
Nagwagi siya ng “Best Progressive R&B Album” para sa kanyang studio album na pinamagatang “Gemini Rights.”
Natalo niya sa nasabing kategorya ang international music artists na sina Cory Henry, Terrace Martin, Moonchild, at Tank and the Bangas.
Sa Instagram, ramdam ang sobrang pagkatuwa ng R&B singer at ibinandera pa ang litrato na kasama ang kanyang ina sa awards night.
Saad niya sa post, “Ima post the getty image cuz f*ck it! My mommy and I had the best time at the grammys.”
Lubos din siyang nagpasalamat sa lahat ng kanyang supporters at fans.
Caption niya, “thank u y’all for ur love and support. It means the world to me. I wake up and get paid to be myself. What a dream? still waking up from this one. gratitude on high.”
View this post on Instagram
Ilan pa sa nakuha niyang nominasyon sa Grammys ay ang “Best Urban Contemporary Album,” “New Song of the Year,” “Best Pop Solo Performance” at “Record of the Year” para sa kantang “Bad Habit.”
Para sa kaalaman ng marami, ang tatay ni Steve ay isang Filipino-American na pumanaw na noong siya nasa edad sampu.
Habang ang kanyang ina ay isa namang African-American.
Hindi lang si Steve ang may dugong Pinoy na nanalo sa Grammys dahil nauna nang kinilala sina Olivia Rodrigo, H.E.R., at Bruno Mars.
Related chika:
Steve Harvey, Olivia Culpo trending sa socmed habang ginaganap ang 2020 Miss U
Olivia Rodrigo, BTS V nagpasabog ng kilig sa 2022 Grammy Awards; ‘Filipina’, ‘Traitor’ trending
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.