Parokya Ni Edgar may update sa pinapa-auction na gitara, umabot na sa P730k ang highest bid | Bandera

Parokya Ni Edgar may update sa pinapa-auction na gitara, umabot na sa P730k ang highest bid

Therese Arceo |February 10,2023
facebook
share this

Parokya Ni Edgar may update sa pinapa-auction na gitara, umabot na sa P730k ang highest bid

Therese Arceo - February 10, 2023 - 03:50 PM

Parokya Ni Edgar may update sa pinapa-auction na gitara, umabot na sa P730k ang highest bid
NAGBIGAY ng update ang Parokya Ni Edgar hinggil sa kanilang pinapa-auction na gitara para sa kanilang miyembrong si Gab Chee Kee.

Sa kanilang Facebook page ay ibinahagi ng OPM band ang latest details patungkol sa kanilang pasubasta.

“Bid Para Kay Gab Update: As of 12mn, February 10, the highest bid is still P730, 197.60,” saad sa post ng Parokya.

Dagdag pa nito, matatapos ang naturang bidding sa February 14, 12 noon.

Kalakip rin ng post ng Parokya Ni Edgar ang mechanics ng kanilang ginagawang auction para kay Gab at nakiusap na sana’y iwasan ng mga netizens ang manloko at tunay na bidders lang sana ang mag-email sa kanila upang hindi na sila mahirapan.

Matatandaang ang kanilang pinapa-auction ay isang D&D guitar na dinisenyo mismo ni Gab at may pirma ng mga miyembro ng bandang Eraserheads na sina Ely Buendia, Raimund Marasigan, Buddy Zabala, at Marcus Adoro.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Parokya ni Edgar (@parokyaniedgar)

Ang naturang bidding ng mga gitara ay para matulungan financially ang gitarista ng Parokya na si Gab na kasalukuyang nilalabanan ang sakit na lymphoma.

Ayon pa sa kanila, bago ang pagpapasubasta ng Eraserheads ay nauna na ang bandang Typecast na umabot sa P50,000 ang highest bidder.

Kaya nga labis ang pasasalamat ng Parokya sa ginawa ng Eraserheads dahil ito ang kanilang idol simula pa noon.

“Malamang alam naman ninyo na sobrang fans kami ng Eheads… lalo na si Gab (si Gab ang unang nagparinig sa amin ng Eheads nung 3rd year highschool kami…at nasira na ang ulo namin sa kanila ever since!)

“Sila talaga ang isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit binuo namin ang Parokya.

Ngayon, nagbigay na naman sila ng panibagong dahilan kung bakit sila ang ultimate idol namin,” ayon sa post ng official FB page ng Parokya ni Edgar.

Related Chika:
Gitarista ng ‘Parokya ni Edgar’ nasa ICU, sey ni Chito: Matinding laban ‘to para sa kanya…at reresbakan natin siya

Eheads mag papa-auction ng gitara para kay Gab ng ‘Parokya ni Edgar’, kwento ni Chito: Sila ang ultimate idol namin!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Chito napa-throwback sa pagsisimula ng Parokya ni Edgar; ‘asar-talo’ kina Neri at Angel

Chito may pa-tribute para sa 28 years ng Parokya: Kahit wala pa kaming kinikita, sobrang saya talaga namin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending