John Prats napatunayan ang 'magic' sa pagdidirek: 'Greatest achievement ko 'to, pero ang laking responsibilidad' | Bandera

John Prats napatunayan ang ‘magic’ sa pagdidirek: ‘Greatest achievement ko ‘to, pero ang laking responsibilidad’

Ervin Santiago - February 09, 2023 - 09:24 PM

John Prats napatunayan ang 'magic' sa pagdidirek: 'Greatest achievement ko 'to, pero ang laking responsibilidad'

John Prats

HINDI inakala ni John Prats na malilinya siya sa larangan ng pagdidirek. Aminado naman kasi ang Kapamilya star na wala talaga siyang alam noon sa pagiging direktor.

Nagsimula bilang child star si Pratty noong 1992 sa ABS-CBN at halos magkasabay lamang silang sumabak sa pag-aartista ng kapatid niyang si Camille Prats.

Naging bahagi siya ng grupong JCS kung saan nakasama niya ang mga kaibigang sina Carlo Aquino at Steffano Mori. Marami rin siyang nagawang TV show at pelikula sa ABS-CBN at Star Cinema.

Pero makalipas nga ang tatlong dekada sa entertainment industry, mukhang nahanap na nga ni John ang kanyang tunay na passion — at yan nga ay ang pagdidirek.

Nakachikahan namin at ng ilan pang members ng entertainment media si Pratty kamakailan para sa selebrasyon ng kanyang 30th anniversary bilang artista, direktor, dancer at TV host.

Dito, nabanggit nga niya na ang maituturing niyang greatest achievement sa tatlong dekada niya sa showbiz ay ang pagdidirek dahil iba ang naibibigay na fulfillment nito sa kanya.

“Kanina nga nag-uusap kami ng mga handler ko tapos ipinakikita nila iyong mga album ko noong JCS, ‘Gimik,’ nagdirek ako ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano,’ concerts na sa 30 years ang dami ko na palang nagawa na parang minsan natatawa na lang ako,” ani John.

“Greatest achievement ko ang pagdidirek kasi nagawa ko na lahat naman as an actor. Nagdrama ako, nag-horror, nag-comedy. Dumating na rin ako sa point na kaya ko nang pumasok sa trabaho na parang comfortable, not naman relax dahil for so many years (bilang aktor), ‘yun na ang ginagawa ko.

John Prats aksidente lang ang pagpasok sa showbiz sa edad na 8; nagpasalamat sa 30 years niya sa showbiz

“Pero this one, creating every concert is different. Kaya the challenge is always there. Kaya ‘yun ang gusto ko kinakabahan ako, natsa-challenge ako,” sey pa ni husband ng aktres na si Isabel Oli.

Pagpapatuloy pa niya, “Hindi ko alam kung paano ako makakapag-perform dito at lagi kong dala-dala ‘yung ‘your only good as your last show’ ‘yun ang pressure ko kasi kahit doon sa 10 show mo na magaganda tapos sumablay ka sa last show mo iyon ang matatandaan ng mga tao. Kaya ‘yun ang challenge sa akin to create something new, a new experience.”

Sa katunayan, hindi talaga pinangarap ni John na maging direktor, “Pero ngayon nari-realize ko na ang tapang ko to jump on things like directing is not, kasi ako parang tumalon sa pagdidirek, and I want it, gustung-gusto ko.

“Pero hindi ko nari-realize na mahirap pala siya, na malaki palang responsibilidad. Pero more than responsibility kaya hindi ko siya naiisip gusto ko lang mag-inspire, gusto ko lang mag-create.

“Pero kung iisipin mo nga naman siya it’s a bigger responsibility. Tulad ng concert ikaw ang captain ng ship nasa ‘yo kung paano tatakbo.

“Ang singers will do their part, rehearsals sila pero pagdating na ng oras ng concert makikita na ng tao ‘yung whole thing on how you gonna present ng artists, the songs, pero dahil nae-enjoy ko ang aspetong iyon hidi ko naiisip na malaking responsibility,” paliwanag pa niya.

Napakalaking responsibilidad para kay John ang pagdidirek ng “Ang Probinsyano” kasama si Coco Martin. Siya rin ang nagdirek ng star-studded 2022 ABS-CBN Christmas Special.

Pero kung hindi nagdidirek si John, mapapanood naman siya na sumasayaw o ipinakikita ang pagiging komikero sa “It’s Showtime” bilang isa siya sa regular judge at mentor sa “Girl on Fire” dance competition.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by John Paulo Q. Prats (@johnprats)


At bilang concert director, naidirek na niya sina KZ Tandingan at Bamboo sa isang concert sa Pampanga, ang Rock and Soul Supremacy at si Klarisse De Guzman sa New Frontier concert nitong Her Time.

Isama na rin ang unang nagtiwala sa kanya na si Moira dela Torre sa “Tagpuan” noong 2018 sa KIA Theater at ang Braver concert noong 2019 sa Araneta Coliseum. Siya rin ang nagdirek ng concert ni Moira noong February 3 sa Araneta Coliseum, ang “Moira’s 2023 World Tour.”

Winner din ang pagdidirek niya sa Manila concert ni Jessi na “Zoom” (the first ever solo concert ng Korean hip hop star) gayundin ang 2-leg “Be You 2” concert ng K-Pop stars na TVXQ!, BoA, Chen, at Xiumin ng EXO gayundin ang fan meet ni Kim Soo-hyun na isa sa highest paid actor sa Korea ngayon.

Pero ang dream concert ni John nang aming usisain ay ang  “Christmas Worship Concert.”

“Kasi parang wala pang gumagawa ng ganitong concert at the same time to honor God kasi parang for me lahat ng nangyayari sa akin was given by Him. So, gusto ko sana makapag-produce o makapagdirek rin ng concert for Him.

“At saka kasi feeling ko ngayong matanda na ako parang hindi ko na nararamdaman ang Pasko. Parang dumadaan na lang siya pero nawawala ‘yung noong bata ako na dadalhin ka sa COD, dadalhin ka ng nanay mo to see the Christmas something.

“I don’t know kung nandiyan pa pero nawala na rin ‘yung mga nangangaroling na nangungulit sa mga bahay. Even before na wala pang pandemic parang nawawala na rin eh,” ani John.

John Prats mamamaalam na nga ba sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’?

Gusto daw niyang bumida rito ang mga Cornerstone artists tulad nina Yeng Constantino, Eric Santos, Moira, Richard Poon at siyempre ni Mr. Jose Mari Chan.

“So lahat as in lahat ng stars honoring God sa araw na iyon,” sabi pa ni John.

Pero sa lahat ng kanyang projects, ang seryeng “Ang Probinsyano” ang pinakamahirap at most challenging na directorial job na ginawa niya.

“It was tiring lang kasi may action and it’s not easy to mount. Sa concerts kasi you prepared one month before pero you see the set on the day itself medyo magkaiba talaga,” sabi ni Pratty.

Iba naman ang feeling kapag nagdidirek siya ng concert, “Ang reaction ng mga tao live. Kapag natuwa sila, kinilig sila kapag nagustuhan nila ang kanta, kapag natuwa sila ramdam mo.

“At gusto ko ‘yung kapag kumakanta sila tapos tahimik kasi that means they are listening, ‘yun ang gusto ko, nadadala ko sila sa ibang dimension,” sabi ni John.

Bilang bahagi ng ika-30 taong selebrasyon sa Philippine showbiz, isang exclusive feature ang inilabas ng Rank Magazine tampok si John Prats.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kuya Kim nag-comment sa post ni Camille; may patutsada kaya sa ‘It’s Showtime’?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending