Payag ba sina Julia, Bea at Diego na maging kaibigan ang kanilang ex-dyowa? | Bandera

Payag ba sina Julia, Bea at Diego na maging kaibigan ang kanilang ex-dyowa?

Ervin Santiago |February 07,2023
facebook
share this

Payag ba sina Julia, Bea at Diego na maging kaibigan ang kanilang ex-dyowa?

Ervin Santiago - February 07, 2023 - 07:04 AM

Payag ba sina Julia, Bea at Diego na maging kaibigan ang kanilang ex-dyowa?

Julia Barretto, Diego Loyzaga at Bea Binene

EXCITED much na si Bea Binene sa bago niyang project sa Viva Films kung saan for the first time ay makakasama niya sina Diego Loyzaga at Julia Barretto.

Bibida ang tatlo sa pelikulang “Will You Be My Ex?” na ididirek ni Real Florido na nagsimula na ang shooting kahapon, February 6.

Ito rin ang unang pagkakataon na magtatambal sina Diego at Julia sa pelikula kaya naman todo ang pasasalamat nila sa mga bossing ng Viva Entertainment.

Sabi ni Bea sa ginanap na virtual presscon ng, “Will You Be My Ex?”,
“I’m very excited na ngayon since I’m with Viva already.

“Nu’ng interview ko dun sa signing ko, sinabi ko nga na I’m sure this will really open up a new world for me. Na parang talagang mawa-widen pa yung reach ko.

“Mas marami pa akong puwedeng gawin. Mas marami pa akong makatrabaho, and I think, isa itong project na to.

“I think it’s safe to say na isang pamilya kami dito and I’m just really looking forward to working with everyone, not just Julia and Diego.

“Of course, I’m excited to work with them, but the whole production, everyone talaga. I’m really really just looking forward and very excited to start na,” ani Bea.

Samantala, sa pagkakatanda ni Julia, isang beses pa lang sila nagkatrabaho ni Diego, ito’y sa Kapamilya serye na “Mirabella” na umere noong 2014.

Pero kinorek siya ni Diego na nagsabing una silang nagkasama sa isang episode ng “Wansapanataym” noong 2013, ang “Petrang Paminta.”

“Wow, was it Petrang Paminta? I don’t even remember that. Was it?” ang nagulat at natawang sey ni Julia. Na sinagot naman ni Diego ng “Oo.”

Pagpapatuloy ni Julia, “I’m so excited to work with Diegs because he’s been a friend of mine for a very long time and, apparently, we’ve worked together twice.

“But I’m excited to be working on him this time around. We’re a bit older now. I hope we’re a bit more mature now,” anang dalaga.

Iikot ang kuwento ng pelikula sa mga dating magkakarelasyon na naging magkakaibigan kaya tinanong sina Diego, Bea at Julia kung okay ba sa kanila na maging friend ang mga ex-dyowa nila.

Tugon ni Diego, “Yes, definitely! It depends siguro kung anong nangyari. Kung okay kayo nag-end, I guess you can be friends.”

Sey naman ni Bea, “Para sa akin, siguro not right away and hindi friends as, like, friends, pero siguro civil.

“Ako kasi, naniniwala ako na time heals so siguro patagal nang patagal ang panahon, mas ma-accept mo everything that happened.

“Kumbaga, kapag kaya mong tingnan sa mata sa mata yung ex mo. Kapag natanggap mo na,” dagdag ng dalaga.

Hirit ni Julia, “Ako siguro happy na ako sa sagot ni Bea saka ni Diegs kasi parang ang aga pa para bukas ma-headline na.

“Baka sa presscon na lang kapag showing na tayo pero shoot tayo in peace,” ang natatawang sey pa ni Julia.

Bea Binene pumirna sa Viva, ready na nga bang magpa-sexy?

Bea Binene nanindigan para sa bet na kandidato, sey ng netizens: The only BBM we stan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bea Binene pwede nang mapanood sa iba’t ibang TV network, game pa ring magtrabaho sa GMA 7

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending