Hirit ni Alex sa birthday ni Daddy Bonoy: 'Pasensya ka na tinapay muna mapapadala ko, iwas-iwas na rin kayo sa cake...mahirap na' | Bandera

Hirit ni Alex sa birthday ni Daddy Bonoy: ‘Pasensya ka na tinapay muna mapapadala ko, iwas-iwas na rin kayo sa cake…mahirap na’

Ervin Santiago |February 06,2023
facebook
share this

Hirit ni Alex sa birthday ni Daddy Bonoy: ‘Pasensya ka na tinapay muna mapapadala ko, iwas-iwas na rin kayo sa cake…mahirap na’

Ervin Santiago - February 06, 2023 - 07:36 PM

Hirit ni Alex sa birthday ni Daddy Bonoy: 'Pasensya ka na tinapay muna mapapadala ko, iwas-iwas na rin kayo sa cake...mahirap na'

Alex Gonzaga at Daddy Boney

BINATI ng TV host-actress at vlogger na si Alex Gonzaga ang kanyang amang si Daddy Bonoy sa kaarawan nito kahapon, February 5.

Pinusuan at umani ng sandamakmak na reaksyon ang nakakaaliw na birthday greeting ng kapatid ni Toni Gonzaga sa kanilang tatay.

Nag-share ng throwback photo si Alex sa kanyang Instagram account kung saan magkasama sila ni Daddy Bonoy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)


May ipinost din siyang photo kasama ang inang si Mommy Pinty, pati ang tiyuhing si Jojo, at mister na si Mikee Morada.

Makikita rin sa kanyang IG post ang isang piraso ng tinapay na nagsilbing birthday cake ng kanyang ama with matching candles na may sindi.

Sundot na hirit ni Alex sa kanyang caption, “Happy birthday daddy! Love you always!

“Pasensya ka na tinapay na lang muna mapapadala ko sa’yo pambirthday. Mag-iiwas-iwas na rin kayo sa (cake emoji) mahirap na,” sabi pa ng vlogger sa caption.

Bumaha naman ng mga positibo at nakakatuwang comments ang IG post ni Alex na karamihan ay nagsabing mukhang naka-move on na nga ang aktres sa kinasangkutan niyang kontrobersya.

Matatandaang last January ay nasangkot sa matinding issue si Alex matapos niyang pahiran ng cake sa mukha ang waiter sa kanyang birthday salubong noong January 16.

Daddy Bonoy umamin na, mas nahirapang palakihin si Toni kesa kay Alex

Mommy Pinty may balak magpaka-JaMill; gusto na ring ipa-delete ang YT channel

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Daddy Bonoy sinupalpal si Alex: ‘Di ka rin mabubuo kung wala kami ng mommy mo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending