Daddy Bonoy sinupalpal si Alex: 'Di ka rin mabubuo kung wala kami ng mommy mo | Bandera

Daddy Bonoy sinupalpal si Alex: ‘Di ka rin mabubuo kung wala kami ng mommy mo

Therese Arceo |October 12,2021
facebook
share this

Daddy Bonoy sinupalpal si Alex: ‘Di ka rin mabubuo kung wala kami ng mommy mo

Therese Arceo - October 12, 2021 - 07:54 PM

SA KABILA ng mga pinagdaraanan ngayon ng TV host-actress at vlogger na si Alex Gonzaga, hindi pa rin ito pumapalya sa pagpapasaya sa kaniyang mga ka-netizens.

Sa latest vlog kasi niya ay tampok ang birthday celebration ng pamangkin nitong si Seve na may “Fast and the Furious” theme.

Dito nga ay tila nagkaroon ng “battle of the youtubers” dahil bukod sa kanilang ng kaniyang Ate Toni ay vlogger na rin ang mga magulang nitong sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy.

Nang ma-upload na nga ang bagong vlog ng mga magulang ay agad nag-comment si Alex.

“Kung alam ko lang nanakawin nyo ang content ko walang mabubuong ka-maintenance,” comment ni Alex.

“Di ka rin naman mabubuo kung wala kami ng mommy mo, wag kang ano dyan,” reply naman ni Daddy Bonoy.

Ibinahagi na nga rin nito ang screenshot ng sagot ng ama sa kaniya sabay sabing “talagang lumalaban din sila ng replies. Send help.”

Marami namang netizens ang naaliw sa kakalogan ng mag-ama.

“Nakakaaliw @Mscathygonzaga pero super nakakaaliw talaga sila Bopin. Palagay ko nagmana ka kay Sir Bonoy sa pagiging natural magpasaya,” comment ng isang netizen.

“BoPin lang malakas!!! Hahahaha. Si Daddy Bonoy ang cute mag-vlog!! Nakakatawa siya hehehe,” sabi ng isa pang netizen.

“HAHAHAHA paampon kana ate sa Pamilya ni kuya mikee para magkapatid na lang kayo hahaha,” hirit naman ng isa pa.

Samantala, matapos ang tweet niy ukol sa mga magulang ay nag-tweet ulit ito at mukhang may kinalaman sa kaniyang pinagdaraanan.

“Good morning! This is a reminder that there are people who are fighting their own personal battles silently, everyday. Please be kind,” tweet ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito ay matapos kumalat ang pahayag ni Manay Lolit Solis ukol sa diumano’y miscarriage ng vlogger.

Naglabas naman na ng apology si Manay Lolit at sinabing hindi niya intensyon ang makasakit ng sinuman at mental exercise lamang niya ang ginagawa sa kaniyang Instagram.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending