Daddy Bonoy umamin na, mas nahirapang palakihin si Toni kesa kay Alex | Bandera

Daddy Bonoy umamin na, mas nahirapang palakihin si Toni kesa kay Alex

Ervin Santiago |June 21,2021
facebook
share this

Daddy Bonoy umamin na, mas nahirapang palakihin si Toni kesa kay Alex

Ervin Santiago - June 21, 2021 - 04:34 PM

IBINUKING ni Daddy Bonoy sa madlang pipol ang personalidad at ilang ugali ng kanyang mga anak na sina Toni at Alex Gonzaga.

Game na game niyang sinagot ang ilang tanong nang mag-guest siya sa Father’s Day episode ng online show ng kanyang panganay na “Toni Talks.”

Sa nasabing vlog, nagkuwento si Daddy Bonoy kung paano nila inalagaan at pinalaki ni Mommy Pinty ang magkapatid na Alex at Toni at kung ano ang pinagkaiba ng kanilang dalawang anak.

Isa sa mga sinagot niyang tanong ay kung ang ang mga “strength” at “weakness” ng mag-ate at paano nila tinatanggap ang magkaibang personalidad ng mga ito.

“Aggressive,” ang sagot ni Daddy Bonoy patungkol kay Alex. “Ikaw (Toni) kasi aggressive ka na, in a way, inuunti-unti mo. Kailangan, slowly but surely. Ito (Alex) hindi. Jump to conclusion agad ‘to, eh.”

“Kapag naisip niya, skip all the process. Tatalunin niya. Kaya pagdating niya, ‘Ay may nakalimutan pala ako.’ Ikaw kasi, pagdating du’n, everything is ready,” paliwanag pa niya.

Pero pagtatanggol naman niya sa bunsong anak, “Ang kasarapan lang dito maski may kulang, dahil siya ang nag-skip, nagagawan niya ng paraan. Maski may mali na, nalulusutan pa niya.” 

Aminado naman siya na mas nahirapan silang palakihin si Toni kesa kay Alex dahil daw una siyang anak. Talaga raw alagang-alaga at super protektado siya noong bata at hindi basta pinahahawakan sa ibang tao.

Pinuri rin niya si Toni sa pagiging masunurin nito, sabi niya kay Alex, “Ang ate mo, ang bilis makinig, e. Ikaw hindi, medyo matigas ang ulo mo. Kaya ikaw, dinadala na lang namin sa panalangin,e.”
Pero masasabi naman niyang lumaking mabuting tao si Alex at bilib siya sa pagiging fighter nito, “Yun nga lang, hindi mo na alam sa kanya kung kailan totoo ang sinasabi niya o hindi, kung seryoso na ba siya o nagbibiro lang.”

Very proud din siyempre ang tatay nina Toni at Alex dahil sa kanilang mga achievements hindi lang sa kanilang career kundi maging sa personal nilang mga buhay.

Abot-langit daw ang kaligayahang nararamdaman niya kapag nakikitang maligaya ang magkapatid at patuloy na nagmamahalan at nagkakasundo.

“Kapag nakikita ko kayo, kaya ako medyo naluluha habang nag-uusap kayo, natutuwa ako kasi ang saya ninyo. Nagagalak ako na nakikita mo ang pamilya mo na masaya. Talagang napakabuti ng Panginoon,” pahayag pa niya.

Tinanong din siya kung ano ang naiisip niyang sitwasyon na posibleng makita niya sa kanyang mga anak para masabing failure sila ni Mommy Pinty bilang mga magulang.

“We will consider whatever success you achieve, whatever path you take, kapag nakikita namin kayo na hindi kayo naglilingkod sa Panginoon, then we failed as parents,” tugon ni Daddy Bonoy.

Samantala, sa isang bahagi ng vlog nagpasalamat si Toni sa ama dahil sa maayos at magandang pagpapalaki sa kanila ni Alex, lalo na ang pagkakaroon ng takot sa Diyos.

“Our father never likes to take credit sa pagpapalaki sa amin ni Alex. Lagi niyang ibinabalik sa Diyos ang kanyang nagawa. 

“Nagpapasalamat kami sa kanya dahil kung sino man kaming magkapatid ngayon, lahat ‘yan ay dahil sa kanyang pagtitiyaga at pagmamahal na ituwid at turuan kami,” papuri ni Toni sa ama.

Aniya pa, “Ibinigay naman niya sa amin ang tunay na mahalaga sa buhay. Ipinakilala niya sa amin si Hesus.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“At walang karangyaan o bagay sa mundo ang magpaparamdam sa amin ng pagmamahal na totoo,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending