King Badger mahal na mahal pa rin si Jelai Andres: Hindi mapapalitan ang love ko sa kanya | Bandera

King Badger mahal na mahal pa rin si Jelai Andres: Hindi mapapalitan ang love ko sa kanya

Pauline del Rosario |February 06,2023
facebook
share this

King Badger mahal na mahal pa rin si Jelai Andres: Hindi mapapalitan ang love ko sa kanya

Pauline del Rosario - February 06, 2023 - 03:25 PM

King Badger mahal na mahal pa rin si Jelai Andres: Hindi mapapalitan ang love ko sa kanya

KAHIT ilang taon nang hiwalay, hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal ng dating miyembro ng Ex Battallion na si Jon Guttierez o mas kilalang King Badger sa dati niyang asawa na si Kapuso actress Jelai Andres.

Inamin ‘yan mismo ni King Badger sa isang one-on-one interview with Pinoy rapper Mr. Phoebu$ na ibinandera sa YouTube nitong February 5.

Tinanong si Jon ng rapper kung hanggang ngayon ay mahal pa rin niya si Jelai.

Mabilis na sagot ni Jon, “Hindi na ‘yun mawawala e.”

Patuloy pa niya, “Ang tagal din naming nagsama ni Jelai. So kung tutuusin, hindi mapapalitan ang love ko para sa tao na ‘yun.”

Sinabi pa ng dating Ex Battalion na bagamat may hinaharap silang kaso ngayon ay tunay niyang minamahal ang dating misis.

Sey niya, “Kumbaga kahit ngayon may hinaharap kaming case and all that and ayaw sakin ng mga tao dahil nga sa lumalabas sa social media, hindi pa rin siya napapalitan.”

“Kumbaga ‘yung pagmamahal ko sa taong iyon ay same pa rin. Hindi siya nabawasan. Legit. This is actually coming from the heart. Totoo na kahit ano pa ang sabihin ng tao sakin, it doesn’t matter. Hindi magbabago ang pagmamahal ko sa taong ‘yun,” aniya.

Nakwento pa ni King Badger na si Jelai din ang dahilan kung bakit niya pinasok ang showbiz industry.

“Siya ang reason bakit ako nag-try ng path ng showbiz. Siya ang nagpu-push sakin lagi. Actually, sa music, siya rin ang nag-push sakin diyan,” saad niya.

Chika pa niya, “Siya kumukuha ng models dati para sa music video ng Ex B, siya ang naghe-help. Walang hesitation, lagi niya akong pinu-push when it comes to work, career, music.”

Pinasalamatan pa niya si Jelai dahil daw sa mga effort at suporta na ginagawa noon para sa kanya.

“Kaya laking pasasalamat ko din sa kanya dahil kung hindi niya ako ginuide…kung hindi niya ako ginuide sa career ko, siguro wala ako dito,” dagdag niya.

Patuloy pa niya, “But alam ko rin naman na on my side, may natulong din ako sa kanya, sa career niya. We both work kung nasaan kami, parehas kaming nagtulungan.”

Sa bandang huli ay nagpaabot siya ng mensahe sa dating misis at sinabing, “Gusto ko lang sabihin na kung saan siya masaya, susuportahan ko siya.”

“Ang gusto ko lang naman is maging masaya siya and sorry sa mga hindi pag-uunawaan, sa mga pinagdadaanan pa rin niya na sakit ngayon since ‘yun nga may cases kami and everytime na nagkikita kami sa hearing, alam ko na nagiging fresh ulit ‘yung mga sakit and ayun gusto kong mag-sorry doon, gusto kong humingi ng pasensya doon sa side na ‘yun,” aniya.

Matatandaang taong 2015 nang mag-umpisa ang relasyon ng dalawa hanggang sa ikinasal na noong 2018.

Noong 2021 naman nang opisyal na silang naghiwalay at kinasuhan ni Jelai ang estranged husband ng Concubinage at Violence Against Women (And Children) dahil sa kasong pakikiapid na nagkaroon umano ng relasyon ang rapper sa ibang babae na noon ay menor de edad pa lamang.

Related chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasong concubinage na isinampa ni Jelai Andres laban kay King Badger umakyat na sa korte

Jelai na-depress dahil sa pag-ibig: Nakarating ako ng ospital, butas short ko!

Jelai Andres binatikos ng netizens sa pagkamatay ng lola; Jon to the rescue

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending