Chiz Escudero may pabirong hirit sa pang-aalaska ng mga kaibigang senador: Patawarin na lang natin sila dahil…
RAMDAM ang magandang aura at mukhang super happy na nga ng isa sa mga kontrobersyal na senador sa Pilipinas na si Chiz Escudero.
Nakapanayam kasi ito ng broadcaster na si Karen Davila sa ANC show nito na “Headstart” kung saan napag-usapan nila ang naging pang-aasar ng iba pang senador sa kanya kamakailan.
“I don’t know where they’re coming from Karen (Davila), ang puwede ko lang ma-comment sa sinabi ni Senator Grace (Poe), Senator Migz (Zubiri) and Senator Joel Villanueva patawarin na lang natin sila dahil hindi nila nalalaman ang kanilang sinasabi, ha, ha ha,” ito ang tumatawang sabi ni Senator Chiz Escudero na limang beses uminom ng tubig bago sagutin ang tanong ni Karen kung bakit siya tinutukso ng mga kasamahan.
Nabanggit pa ng host na talagang ayaw i-share ng hubby ni Heart Evangelista ang isyung ito.
Dagdag pa ni Chiz, “Number two, my public life has always been separate from my private life. And if I did not speak about my private life before, I will not be breaking that by doing so now, but thank you for asking Karen.”
Matatandaang sa session sa senado nitong Miyerkoles ay tinukso siya nina Sen. Grace, Migz at Joel dahil sa matagal na panahon nilang magkakasama ay ngayon lang nila nakitang tumawa at maganda ang aura ngayon ng hubby ng fashion icon/actress.
Ipinakita sa “Headstart” ang video ng tatlong senador kung paano nila tinukso si Sen. Chiz.
Sa privilege speech ni Sen. Grace ay binati niya ang kaibigan na kagagaling lang sa Paris, France kung saan nakasama niya ang asawang si Heart.
Ani ng senadora, “Together with each and every member of this body, I would like to warmly welcome our colleague Sen Chiz. First time in a long time we’ve seen that smile on that face with that wonderful aura. If there’s anything we’ve learned from this: love is worth fighting for.”
Mula naman kay Senate President Juan Miguel Zubiri na nakisali na rin sa panunukso sa kanya.
View this post on Instagram
“That explanation why we suspend the session because I wanted to go down and give a big hug to my dear friend and classmate in Congress… We believe in second chances.”
Say naman ni sen Joel, “Our idol, yes Mr President, we Heart Chiz.”
Balik tanong ni Karen sa senador, “okay but everything is good for a home front?”
“Yes with God’s grace and even before. Again ‘yung mga kasamahan ko sa senado nangangantsaw, nang-aalaska lang ‘yang mga ‘yan dahil matagal kaming hindi nagkita,” sagot ni sen Chiz.
Natawa si Karen dahil hindi pa rin niya narinig ang gustong sagot ng senador pero inamin nitong dumadaan sila sa mga pagsubok.
Tanong ulit ni Karen kay Sen. Chiz, “did you go through certain challenges?
“Well, we face daily challenges Karen whether with family, with marriage, with work or even with your own personal health. But we should look at challenges positively because without challenges you cannot and you will not improve nor will you not increase whether in faith or the ability to face challenges in the future,” seryosong sagot ng senador.
Hindi pa rin bumitaw si Karen dahil kinulit pa rin niya si Sen. Chiz kung ano ang ibig sabihin ng sinabi ni senadora Grace na, “love is worth fighting for? There’s gonna be something there?
Tawang-tawa naman ang mister ni Heart, “sabi ko nga sa’yo patawarin natin sila (tatlong senator) dahil hindi nila nalalaman ‘yung kanilang sinasabi. Ha, ha, ha.”
Naimbitahang mag-guest si Sen. Chiz sa “Headstart” para pag-usapan ang Maharlika Fund bill na hindi naman siya totally disagree pero marami raw siyang nakikitang loopholes.
Related Chika:
Chiz Escudero inulan ng tukso sa Senate session, nag-iba raw ang aura dahil kay Heart: ‘We believe in second chances’
Heart lagot kay Chiz: Saan ka na naman nag-shopping? Ano yan, ha?
Heart, Chiz may pinagdaraanan bilang mag-asawa, totoo nga kayang naghiwalay na?
Heart Evangelista tinanggal ang apelyido ni Sen. Chiz sa IG name, may pinagdaraanan nga ba?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.