Zack Tabudlo may pa-'soft launch' ng dyowa, si Moira dela Torre nga kaya? | Bandera

Zack Tabudlo may pa-‘soft launch’ ng dyowa, si Moira dela Torre nga kaya?

Therese Arceo |February 02,2023
facebook
share this

Zack Tabudlo may pa-‘soft launch’ ng dyowa, si Moira dela Torre nga kaya?

Therese Arceo - February 02, 2023 - 04:58 PM

Zack Tabudlo may pa-'soft launch' ng dyowa, si Moira dela Torre nga kaya?

MUKHANG hindi papahuli ang singer-songwriter na si Zack Tabudlo ngayong buwan ng pag-ibig at may pa-flex ito ng kanyang sinisinta.

Ibinandera kasi nito sa kanyang TikTok account ang isang video kung saan inabot niya at hinalikan ang kamay ng hindi nakilalang babae.

Ginamitan rin ni Zack ng kantang “Snooze” ni SZA ang naturang video na may lyrics na “I can’t lose when I’m with you

How can I snooze and miss the moment?

You just too important

Nobody do body like you do”

Caption pa niya, “jowa reveal”.

@zack.tabudlojowa reveal♬ original sound – xxtristanxo

Umani naman ng samu’t saring reaksyon ang naturang TikTok video ng mang-aawit at kanya-kanyang hula kung sino kaya ang babae sa video.

“Kamay ata yan ni ate Moira dela Torre ehh,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “pag si moira to, magwawala talaga ako zack.”

“Bakit feeling ko kamay mo moira yun hahaha,” dagdag naman ng isa.

Habang ang iba ay si Moira ang itinuturo, meron rin namang nagsasabi na mukhang kamay ng isang lalaki ang hinalikan ni Zack.

“Lalaki ‘yung kamay guys pano naging si Moiraaaa,” sabi ng isang netizen.

Chika naman ng isa pang netizen, “di ako naniniwala zack HAHAHA kamay ng lalaki yan shedaa!”

“Sasabihin ko sanang ako kaya lang lima pala yung daliri,” sey naman ng social media influencer na si Pipay.

Nitong 2022 lang nang nagkaroon ng collaboration ang dalawa para sa kantang “Iba” ni Zack na inilabas noong Pebrero.

Nag-surprise guesting rin si Moira sa naging concert ng binata sa isang mall sa Quezon City.

Nadawit rin ang pangalan ni Zack nang kumpirmahin ni Jason ang hiwalayan nila ni Moira noong May 2022 nang mahalungkat ng mga netizens ang Instagram post ng larawan nilang magkasama na may sweet captionz

Nanatili namang tikom ang bibig ng dalawa kahit na marami ang nagtatanong kung may katotohanan nga ba ang mga kumakalat na balita.

At ngayon nga’y muling nauungkat ito matapos ang pa-“jowa reveal” ni Zack na umani na ng mahigit 1.6 million views at marami na ang nag-aabang ng face reveal kung sino nga ba ang maswerteng babaeng nagmamay-ari ng puso ng singer.

Related Chika:
Zack Tabudlo damay sa hiwalayang Moira-Jason?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Arjo napiling bida sa remake ng ‘Sa Aking Mga Kamay’ ni Aga: I can’t do what he did but…

Richard Yap pinangarap maging doktor pero kinontra ng tatay: He wanted me to take up a business course

Jillian Ward inaatake ng matinding nerbiyos dahil sa bagong serye, gaganap na batang doktor: Ang hirap pala, ang daming mine-memorize

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending