Zack Tabudlo damay sa hiwalayang Moira-Jason? | Bandera

Zack Tabudlo damay sa hiwalayang Moira-Jason?

Therese Arceo |June 03,2022
facebook
share this

Zack Tabudlo damay sa hiwalayang Moira-Jason?

Therese Arceo - June 03, 2022 - 12:28 PM

Zack Tabudlo damay sa hiwalayang Moira-Jason?

TRENDING ngayon ang singer at composer na si Zack Tabudlo matapos itong madamay sa kontrobersyal na hiwalayan nina Moira dela Torre at Jason Marvin Hernandez.

Nagsimula ito nang mag-viral ang isang social media post patungkol sa diumano’y totoong dahilan raw ng pagkakahiwalay ng mag-asawa.

Base sa post na ang nilalaman raw ay galing sa mga “close friends” ng mag-asawa ay wala naman daw talagang “lover” si Jason at never rin itong nagkaroon ng affair.

Hindi rin daw totoo ang kumakalat na chika patungkol sa gender preference nito at ang tanging kasalanan daw nito ay ang pagpunta sa “spakol” dahil na rin sa kahit na mag-asawa na sila ni Moira ay wala pa rin daw silang sex dahil sa depression ng mangangawit na agad niyang ikina-guilty kaya inamin ito sa asawa.

“Walang ibang lover si Jason, babae man o lalaki. Hindi bading si Jason. Hindi rin siya nagka-affair. Pero ang mali niya is pumunta siya sa mga spakol for sex. Yan yung unfaithfulness na sinabi niya.

“This is because wala silang sex ni Moira dahil daw sa depression ni girl. Na-guilty si Jason kay anag-confess siya sa asawa niya, but it backfired,” saad sa naturang viral post.

Bukod rito, damay rin sa naturang post si Zack na nakasama ni Moira habang nasa Dubai raw si Jason.

Ayon kasi sa post ay nag-click daw agad ang dalawa habang magkasama at emotionally raw ay nagloloko na ang “Paubaya” singer at ginamit lang daw ang confession ng asawa para tuluyan itong hiwalayan.

“When Jason was in Dubai, his wife spent time with Zack Tabudlo the singer and I guess nag-click sila,” dagdag pa sa post.

Inungkat rin nila ang Instagram post ni Moira kasama si Zack na may caption na “feels like a like [I’ve] known you a lifetime, when I only met you last night. ily @zack.tabudlo”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Moira (@moiradelatorre)

Matatandaan na nagkaroon ng pagsasama ang dalawa para sa kantang “Iba” ni Zack na inilabas noong Pebrero 2022.

Dumalo rin si Moira sa naging concert ni Zack sa isang mall sa Quezon City kung saan kinanta nila ang “Iba”.

Wala pa namang inilalabas na pahayag si Zack ukol sa pagkakadawit sa hiwalayan ng dalawa pero marami na sa mga netizens ang nagtatanggol sa kanya at sinabing wala itong kinalaman sa desisyon ng dalawa na maghiwalay.

Mananatili namang bukas ang Bandera para sa panig nila Zack Tabudlo, Moira dela Torre, at Jason Marvin Hernandez hinggil sa bagong kumakalat na isyu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Jason Hernandez kinumpirmang hiwalay na sila ni Moira dela Torre: I’m sorry for everyone I hurt…

Moira dela Torre tinuldukan ang isyung hiwalayan kay Jason Marvin Hernandez

Xian Gaza trending na naman dahil sa hiwalayang Moira at Jason, pero bakit binanatan ng mga miyembro ng LGBTQ?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending