Luis Manzano itinangging involved sa diumano’y P100M fuel scam, humingi ng tulong sa NBI
HUMINGI ng saklolo ang TV host-actor na si Luis Manzano sa National Bureau Investigation (NBI) para imbestigahan ang Flex Fuel Petroleum Corporation.
Nagpadala ng liham ang TV host-actor kay NBI director Atty. Medardo de Lemos sa pamamagitan ng kanyang legal counsel na si Atty. Regidor Caringal noon pang November 8, 2022.
Ayon sa sulat ni Luis, nag-decide na itong alisin ang kanyang interes at nag-resign na rin siya bilang chairman of the board ng mga korporasyon ng ICM group na pinamuminuan ni Ildefonso “Bong” Medel.
Si Medel ay isa sa mga malapit na kaibigan at ang chief executive officer (CEO) ng ICM group na nagpapatakbo rin ng Flex Fuel.
Pagbabahagi ni Luis, maraming investors ng Flex Fuel daw ang lumalapit sa kanya upang mabawi ang mga perang in-invest sa naturang kumpanya.
Mayroon din daw utang si Medel na P66 million sa TV host-actor.
Kaya naman nanawagan na si Luis sa NBI “to conduct an investigation on this matter” dahil bigo si Medel na ayusin ang mga problema sa kumpanya at resolbahin ang mga concerns ng kanyang mga investors.
Ipinaliwanag rin ng TV host-actor sa kanyang affidavit noong December 21, 2022 na naging chairman of the board siya bilang “one of the guaranties for my investment”.
View this post on Instagram
Giit pa niya, “I never took part in the management of the business” at nagbitiw na rin siya sa pwesto at dumistansya sa ICM Group of Companies at sa Flex Fuel.
“Bong conducted the business in such a way that operational matters were kept away from me,” lahad pa ni Luis at sinabing hindi raw ibinabahagi ni Medel ang “important matters” ng kumpanya sa kanya.
Ayon rin sa affidavit na inihain ng TV host-actor, matapos ang kanyang pagre-resign sa Flex Fuel at sa iba pang ICM companies noong February 2022, marami ang lumapit sa kanya upang humingi ng tulong sa kanya na ipinaabot naman niya kay Medel.
Ngunit sa kabila ng pagsasabi ni Luis kay Medel ay wala naman itong ginawang aksyon.
“Up to now, there are still individuals reaching out to me for help and assistance regarding their investments in Flex Fuel,” sey pa ni Luis sa naturang affidavit.
Bukas naman ang BANDERA sa magiging pahayag ng iba pang taong involved sa isyung ito.
Related Chika:
Banat ni Luis sa nang-okray kay Baby Peanut: ‘Kayo nga po pinag-isa n’yo pisngi, leeg at baba n’yo di namin kayo pinakikialaman’
Luis Manzano ibinandera sa publiko si Baby Peanut pero wala pang pa-face reveal
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.