Inang namamayagpag sa construction industry target makuha ang Mrs. Universe crown | Bandera

Inang namamayagpag sa construction industry target makuha ang Mrs. Universe crown

Armin P. Adina - January 31, 2023 - 12:02 PM

Mrs. Universe Philippines-West Pacific Asia Jeanie Jarina

Mrs. Universe Philippines-West Pacific Asia Jeanie Jarina/ARMIN P. ADINA

NASA industriya na ng construction si Jeanie Jarina ng mga dalawang dekada na rin ngayon, at hindi lang siya namamayagpag kundi namumuno pa rito. At ngayong napatunayan na niya kung ano ang kayang gawin ng isang babae sa mundong pinananaigan ng mga lalaki, tinatahak naman niya ngayon ang isang daang napakalayo sa ginagalawan niya—pageantry.

Sinabi ni Jarina na lumahok siya sa Mrs. Universe Philippines pageant upang hikayatin ang dalawang anak na babae na sumabak na rin sa beauty contests sa hinaharap. Nakasungkit naman siya ng isang korona sa pambansang patimpalak at nasa Sofia, Bulgaria, ngayon bilang bahagi ng anim-kataong pangkat ng mga reyna mula Pilipinas na sasalang sa pandaigdigang entablado.

Isang korona lang ang pinaglalabanan sa 2022 Mrs. Universe pageant, at sinabi ni Jarina na kung masusungkit niya ito ay isusulong niya ang kamulatan hinggil sa karahasan sa mga tahanan. “VAWC (violence against women and children) has been my advocacy until now. If you want a beautiful country, if you want to have a successful country, it starts with the family,” sinabi niya sa Inquirer sa send-off party na idinaos ng national pageant organization sa Simon’s Place Supreme restaurant sa Quezon City noong Enero 19.

Kasama ni Jarina sa patimpalak sa Bulgaria si Mrs. Universe Philippines Veronica Yu at mga kapwa nila reynang sina Gines Angeles, Lady Chatterly Alvaro-Sumbeling, Virginia Evangelista, at Michelle Solinap. Nandoon na sila sa Sofia ngayon kasama ang national director na si Charo Laude na nasa semifinals ng 2019 Mrs. Universe pageant.

Maliban sa pagkilos upang sugpuin ang VAWC, nakikipagtulungan din si Jarina sa Brave Hearts ni Laude at sa Kasuso Foundation para sa mga babaeng may breast cancer. “We have to take care of the mother, because the mother is the light of the home, taking care of the household,” ani Jarina.

 Jeanie Jarina

Kasama ni Jeanie Jarina (pangalawa mula kanan) si Mrs. Universe Philippines National Director Charo Laude (gitna) at mga kapwa niya reynang sina (mula kaliwa) Virginia Evangelista, Lady Chatterly Alvaro-Sumbeling, Gines Angeles, Veronica Yu, at Michelle Solinap./ARMIN P. ADINA

Naunang itinakda ang 2022 Mrs. Universe pageant sa Seoul, South Korea, nitong Disyembre. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari, nagpasya ang international organization na ibalik ito sa home country na Bulgaria at isagawa ng Pebrero.

Mahigit 100 kandidata mula sa iba’t ibang bansa ang magtatagisan sa 2022 Mrs. Universe pageant. Kokoronahan ang bagong reyna sa Peb. 4 (Peb. 5 sa Maynila).

Sa Pilipinas naman itatanghal ang 2023 Mrs. Universe pageant, sa Oktubre, at inaasahan ang pagdating ng mahigit 100 kalahok. Iba pa ito sa isa pang pandaigdigang patimpalak na may katulad na pangalan na gagawin din sa Pilipinas sa Oktubre rin.

Tinatag ang Bulgaria-based pageant noon pang 2007, habang noong isang taon lang nagsimula ang Mrs. Universe (Official) contest na itinaguyod ng isang Pilipinang taga-Australia. Samantala, sinabi ng organisasyon sa Europa na ipagdiriwang ang ika-46 anibersaryo mula nang unang mabuo patimpalak, bago pa mang maitaguyod ang kasalukuyang brand na “Mrs. Universe” sa Sofia 16 taon na ang nakararaan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending