Jessy Mendiola sa mga ‘atat’ sa face reveal ni Baby Peanut: Let us enjoy our own little world with our baby muna | Bandera

Jessy Mendiola sa mga ‘atat’ sa face reveal ni Baby Peanut: Let us enjoy our own little world with our baby muna

Pauline del Rosario |January 28,2023
facebook
share this

Jessy Mendiola sa mga ‘atat’ sa face reveal ni Baby Peanut: Let us enjoy our own little world with our baby muna

Pauline del Rosario - January 28, 2023 - 01:06 PM

Jessy Mendiola sa mga ‘atat’ sa face reveal ni Baby Peanut: Let us enjoy our own little world with our baby muna

PHOTO: Instagram/@jessymendiola

TILA isa-isa nang sinagot ng first time celebrity mom na si Jessy Mendiola ang ilang makukulit na netizens na nagpupumilit sa “face reveal” ng anak nila ni Luis Manzano na si Baby Peanut.

‘Yan ay matapos ibandera ng aktres ang bahagi ng mukha ng kanilang anak sa isang Instagram post.

Kalakip pa nito ang caption na, “Mama & Papa love you so much, our little Rosie (rose emoji).”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jessy Mendiola – Manzano (@jessymendiola)

Libo-libong netizens ang napa-comment at mababasa na karamihan sa kanila ay tuwang-tuwa.

Ngunit hindi rin maiiwasan na may iilan din na tila atat na atat na makita ang buong mukha ni Baby Peanut.

Dahil diyan ay isa-isa na itong sinagot ni Jessy at sinabing ipapakita rin nila si Baby Peanut pero sa ngayon daw ay gusto na muna nilang ma-enjoy ang bonding nilang pamilya.

Comment ng isang Instagram user, “Bakit ’di niyo pakita ‘yung buong face niya may something ba? Tanong lang po.”

Sagot naman ng aktres, “wala naman po, we just want to enjoy our little world with our baby. (red heart emoji) soon, just let us savor the moment muna.”

 

Tanong naman ng isang nag-comment, “Ganda ng eyes! pero bakit may pa suspense pa (happy face emoji)”

Reply ni Jessy, “soon (rose heart emoji) Just let us enjoy our own little world with our baby muna (happy face emoji) Patience.”

 

Hindi ito ang unang beses na nakatatanggap ng mga pang-ookray at pangba-bash ang celebrity couple tungkol sa kanilang anak.

Kamakailan lang ay tila nakipag-away pa si Luis sa isang netizen na sinabihang “pisot” ang kanilang anak.

Sa Bisaya, ang ibig sabihin ng “pisot” ay hindi tuli pero ginagamit din ito para insultuhin ang itsura ng isang tao.

Noong December 28 lang ipinanganak ni Jessy ang panganay nila ni Luis, ngunit nitong January 7 lang nila ito ibinandera sa publiko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related chika:

Luis rumesbak nang ikumpara sila ni Jessy kina Drew at Iya sa pagiging magulang: ‘Kung maka-comment ka naman akala mo ikaw magpapadede sa bata’

Luis Manzano ibinandera sa publiko si Baby Peanut pero wala pang pa-face reveal

Jessy sinigurong ligtas ang ipinagbubuntis matapos tamaan ng COVID-19: Peanut is normal, napaka-strong niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending