Panlasang Pinoy nanakawan sa flight pauwi ng Pilipinas | Bandera

Panlasang Pinoy nanakawan sa flight pauwi ng Pilipinas

Therese Arceo - January 27, 2023 - 03:44 PM

Panlasang Pinoy nanakawan sa flight pauwi ng Pilipinas

IBINAHAGI ni Vanjo Merano, isang US-based content creator na mas kilala bilang si Panlasang Pinoy na ilan sa kanilang mga personal belongings ang nawala nang magbakasyon sila sa Pilipinas nitong December 2022.

Sa kanyang YouTube vlog na may pamagat na “Bad trip na Pilipinas” na uploaded nitong January 22, ikinuwento niya ang hindi magandang karanasan na na-experience ng kanyang pamilya.

Saad ni Panlasang Pinoy, excited silang umuwi ng Pilipinas dahil matagal na silang hindi nakakauwi at upang maiparamdam sa kanilang pamilya kung gaano kasayang mag-Pasko sa bansa.

Ilang araw pa nga lang raw bago ang kanilang flight ay napuno na ng mga regalo at pasalubong para sa mga kamag-anak ang kanilang mga maleta.

Ngunit hindi na-anticipate ng pamilya ni Panlasang Pinoy na magkakaroon pala ng aberya ang kanilang flight lalo’t naka-business class sila.

Sa kabila nga ng mga aberya ay natuloy na ang kanilang flight ay may naghihintay pa palang mas malaking problema sa kanila.

Dito na nakuwento ni Panlasang Pinoy na may mga mawawala pala ang mga binili nilang panregalo na talagang pinag-ipunan nila.

Aniya, aware naman daw siya na insidenteng nananakawan sa maleta kaya nga ang mga “more important” belongings nila ay inilagay nila sa kanilang hand-carry luggage.

“[M]ahalaga rin naman kasi yung nandoon sa check-in [luggage] yung mga pang-regalo. Gusto lang namin magpasaya sa Pasko kaya ganoon talagang nag-effort kami [at] nag-ipon para makabili ng mga pang-regalo tapos ‘yun nawala,” lahad ni Panlasang Pinoy.

Hindi naman daw sila pwedeng magturo na lang kung sino ang may sala dahil tatlong airport ang kanilang pinuntahan papuntang Pilipinas.

“Hindi kami pwedeng bumintang basta-basta dahil tatlong lugar yung pinuntahan namin—tatlong airport. Galing kami sa Chicago so andyan yung O’Hare [International Airport], nag-land kami sa San Francisco [International Airport] pagkatapos noon nagpunta kami ng terminal one ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) so tatlo,” lahad ni Panlasang Pinoy.

“Hindi ko alam kung saan nawala ‘yun ano [items]. Pati kasi chocolate nawala, hindi ko alam paano natin babasahin yung scenario na yun,” dagdag pa niya.

Noong nakalapag na sa NAIA ang pamilya ni Panlasang Pinoy ay nag-antay pa sila ng isa’t kalahating oras para makuha ang mga luggage.

“Ako pala yung hindi sumaya kasi binilan namin ng regalo ulit ‘yung mga nawalan kaya hindi ako sumaya kasi gumastos ulit kami ng panibago,” sey ng vlogger.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vanjo Merano (@panlasangpinoy)

“Despite all of that na nangyari sa aming hindi maganda, pagdating naman sa Pilipinas ang saya naman namin kumbaga mas mataas yung level nung magandang nangyari kumpara doon sa hindi,” pagpapatuloy pa niya.

Paalala nga ni Panlasang Pinoy na maging maingat lalo na kung babiyahe paibang bansa.

Related Chika:
Lasa ng Pinoy ipatitikim ng ‘Guwapitos’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cebu Pacific nag-sorry kay VP Leni, piloto inaming walang basehan ang viral post

Dimples Romana ibinandera ang first solo flight ni Callie: Proud momma is a total understatement

Inka Magnaye emosyonal sa first international flight, naantig nang marinig ang sariling boses

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending