Ryza Cenon pinag-'face the wall' ang anak bilang pagdisiplina | Bandera

Ryza Cenon pinag-‘face the wall’ ang anak bilang pagdisiplina

Therese Arceo - January 26, 2023 - 11:13 PM

Ryza Cenon pinag-'face the wall' ang anak bilang pagdisiplina
IBINANDERA ng aktres na si Ryza Cenon ang pamamaraan niya ng pagdidisiplina sa kanyang anak na si Night.

Sa kanyang Instagram accont ay ibinahagi nito ang isang video kung saan makikitang nasa corner ng kanilang bahay ang kanyang anak at nakaharap sa pader.

“Face the wall si Night. Haaayy grabe ang hirap!!! Lord help me.. Ang kasalanan nya hinampas nya ng malakas yung Dyson na electricfan, naghiwalay. Tapos hinagis yung defuser sa may carpet, basa,” pagbabahagi ni Ryza.

Aniya, araw-araw raw ay may lumilipad na gamit sa kanilang bahay at tila talagang sinusubok ang kanyang pasensya.

Hiling pa ni Ryza na sana ay bigyan pa siya ng napakahabang patience pra maipagpatuloy ang pagiging mabuting ina at maybahay.

Pagkukwento pa niya, sa tuwing pinagpe-face the wall niya si Night ay nag-uusap sila.

“Pinapaliwanag ko sa kanya kung ano ang mali nya. Kaya ko to ginagawa mga mommies kasi ito lang yung way ko para hindi sya mapagbuhatan ng kamay,” pag-amin ni Ryza.

Dagdag pa niya, “Sa age nila kasi hindi pa yan makikinig agad-agad dahil nag eexplore sila.”

Chika pa ni Ryza, ang ginawa raw ni Night ay hindi niya napanood sa TV dahil hindo naman ito mahilig manood o humawak ng phone.

“Ang gusto nya maglaro sa labas, mag color ng mga coloring books, magbasa, maglaro ng mga laruan nya at makipagkwentuhan samin. Yun yung pinapractice ko sa kanya,” paglilinaw niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon)

Sabi rin niya, iba-iba naman daw talaga ang pamamaraan ng mga magulang sa pagpapalaki ng anak pero iisa lang naman ang layunin ng mga ito — ang lumaking mabubuting tao.

“Nag share ako ng experience para sa mga first time mom na katulad ko. Gusto kong malaman nila na hindi sila nag- iisa, na pwede mag disiplina ng anak ng hindi natin sila sinasaktan. Walang masama mag share kung makakatulong sa iba,” sey pa ni Ryza.

Related Chika:
Ryza Cenon araw-araw natatakot bilang ina ni Night: May time nahulog siya sa kama, umiiyak din ako tapos sorry ako nang sorry sa kanya

Ryza Cenon sa pagiging ina: Matutulala ka na lang sa pagod

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nanay tips ni Ryza para sa mga nagta-tantrums na baby: Hayaan n’yo muna, wag natin silang pagalitan, pagsabihan o sigawan

Ryza Cenon kontra sa mga prank na nauuwi sa bullying; may panawagan sa magbabarkada na mahilig ‘mag-trip’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending