Kuya Kim sinorpresa ni Dingdong sa 56th birthday: 'Isang malaking honor na maging kaibigan at kumpare mo' Bandera

Kuya Kim sinorpresa ni Dingdong sa 56th birthday: ‘Isang malaking honor na maging kaibigan at kumpare mo’

Ervin Santiago |January 26,2023
share this

Kuya Kim sinorpresa ni Dingdong sa 56th birthday: ‘Isang malaking honor na maging kaibigan at kumpare mo’

Ervin Santiago - January 26, 2023 - 07:23 AM
Kuya Kim sinorpresa ni Dingdong sa 56th birthday: 'Isang malaking honor na maging kaibigan mo at maging kumpare mo'

Dingdong Dantes at Kim Atienza

PINATUNAYAN ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes kay Kim Atienza na isa siyang tunay at maaasahang kaibigan.

Isa si Dong sa mga pasorpresa ng programang “TiktoClock” ng GMA 7 sa 56th birthday celebration ni Kuya Kim na umere nitong nagdaang Martes, January 24.

In fairness, hindi lang basta bumati ang award-winning actor kay Kuya Kim kundi pumayag pa itong maging guest co-host at player sa mga nakakaaliw at nakakalokang segments ng “TiktoClock.”

“Kuya Kim, ikaw ang kuya talaga para sa akin hindi lang sa industriyang ito kung hindi pati sa ibang larangan ng buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kuya Kim (@kuyakim_atienza)


“Kaya sobrang happy ko at sobrang masuwerte ko na nandiyan ka para sa akin,” mensahe ni Dong sa kanyang kumpare at kaibigan.

“Kuya Kim hindi ko na matiis kaya gusto ko nang batiin ka nang personal. Happy happy birthday!” dugtong pa niya.

Reaksyon naman ni Kuya Kim, “Si Dong ang ninong ko po dito sa GMA. Thank you so much.

“Isang malaking honor na maging kaibigan mo at maging kumpare mo, Dong,” sey ng TV host.

“Si Dong po ay ilang taon ko nang kaibigan, kumpare ko pa, at kasama ko pa hindi lamang sa telebisyon kung hindi sa lahat ng aspeto ng buhay,” dugtong pa niya.

Sabi pa ni Kuya Kim, wala na raw siyang mahihiling pa para sa kaarawan niya, “Sa birthday ko na ito, wala akong wish. I have nothing but gratitude in my heart sa lahat ng mga blessings na ibinibigay sa akin ni Lord.

“Ang gusto ko lang ay magpatuloy sana at itong mga blessings sa akin may it overflow to others as well.

“It has been one of the most complete. Maraming maraming salamat sa lahat ng staff and all those behind TiktoClock,” lahad pa ni Kim Atienza.

Kuya Kim may swabeng hirit kay Ogie Diaz; bawal ikampanya ang ama sa Eleksyon 2022

Kuya Kim kinontra ang paratang ng bashers na inokray niya ang ‘Showtime’

Dingdong Dantes may pa-tribute sa mga nanay, palihim na inendorso si Leni Robredo?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending