Kuya Kim may swabeng hirit kay Ogie Diaz; bawal ikampanya ang ama sa Eleksyon 2022
Kim Atienza at Ogie Alcasid
NAGSALITA na ang bagong Kapuso TV host na si Kim Atienza tungkol sa naging pahayag at suggestion ng talent manager-vlogger na si Ogie Diaz na may konek sa 2022 elections.
Nakapagbitiw kasi si Ogie ng mga salita sa kanyang YouTube vlog na sa halip na patulan ang mga bashers ay ikampanya na lang nito ang amang si Bayan Party-list Representative Lito Atienza na kumakandidato ngayong vice-president.
Ang ama ni Kuya Kim ang ka-tandem ng presidential aspirant na si Sen. Manny Pacquiao.
Nag-ugat ang issue sa pagitan nina Kuya Kim at Ogie nang maging subject ng komedyante ang TV host sa kanyang YouTube channel dahil nga sa aktibong pagsagot nito sa mga trolls at haters sa social media.
May kaugnayan naman ito sa naging comment ni Kuya Kim sa Instagram post ng co-host niya sa morning talk show ng GMA na “Mars Pa More” kung saan nabanggit nito na nakaiwas daw sa “sakit ng ulo” si John Prats.
Dahil sa halip na ang “It’s Showtime” ang kanyang ididirek ay mananatili siya sa “Ang Probinsyano” bilang isa sa mga artista at direktor na rin.
Feeling ng mga netizens, pinatatamaan niya ang noontime show ng ABS-CBN kung saan isa siya sa mga dating host. Mariin namang pinabulaanan ni Kuya Kim ang mga paratang ng bashers at sinabing hinding-hindi niya sasaktan ang mga kasamahan niya noon sa programa.
Kaya sa isa niyang vlog sa YouTube ay may binasang comment si Ogie mula sa isang netizen na nagsabing tulungan na lang ng TV host ang kanyang ama sa pangangampanya kesa pumatol sa bashers.
Sabi naman ni Ogie, “Dapat talaga, tinutulungan na lang ni Kuya Kim i-post niya yung daddy niya.”
Para sagutin ang naging pahayag ng talent manager, ni-repost ni Kuya Kim sa Twitter ang isang artikulo ng BANDERA na may titulong “Ogie may advice kay Kuya Kim: Tulungan mo na lang ang tatay mo.”
Ang caption niya sa kanyang tweet, “Kumusta ka na? Congrats sa YouTube mo, very successful!
“Ogs, Kahit gusto kong tulungan ang Dad ko at kahit sinong kandidatong gusto ko, binabawal ng @gmanews ang any political activity such as campaigning lalo na sa kamag anak.
“Be well dear @ogiediaz,” mensahe pa ng bagong Kapuso sa vlogger.
Kumusta ka na? Congrats sa Youtube mo, very successful! Ogs, Kahit gusto kong tulungan ang Dad ko at kahit sinong kandidatong gusto ko, binabawal ng @gmanews ang any political activity such as campaigning lalo na sa kamag anak. Be well dear @ogiediazhttps://t.co/orC6Z4hcPm
— kim atienza (@kuyakim_atienza) November 20, 2021
Kasunod nito, nag-tweet din si Ogie bilang tugon kay Kuya Kim, “Sabi yan ng isang netizen, kuya kim. I just verbalized it. I know sa news talaga, bawal ang kampanya. Ingat ka din. (face with heart eyes emoji).”
Nang mabasa ang mensahe ng celebrity vlogger, nagpasalamat naman si Kuya Kim kay Ogie, “Salamat. @ogiediaz is a friend. We’ve worked together for many years.”
Samantala, ipinagtanggol naman ni Kuya Kim ang ABS-CBN sa isang netizen na kumampi sa kanya. Patutsada ng isang Twitter user, “Ganyan ang GMA bawal mangampanya kahit kamag-anak pa.. Hindi kasi yan kagaya ng ibang network na may kinikilingan at sinusuportahan.. Lalo na kapag panig sa paniniwala nila. Stay safe kuya Kim.”
Sabi naman ni Kuya Kim sa kanya, “Also ABS naman, ABS news code of ethics prohibits reporters and anchors from campaigning for their respective candidates.”
https://bandera.inquirer.net/297785/kuya-kim-dumepensa-sa-paratang-ng-bashers-na-inokray-aniya-ang-showtime
https://bandera.inquirer.net/294384/kim-atienza-emosyonal-sa-huling-gabi-bilang-kapamilya-ang-buhay-ay-weather-weather-lang
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.