I-text kay Madam Sophia | Bandera

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia |October 07,2013
facebook
share this

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia - October 07, 2013 - 03:00 AM

Mula kay Kristel ng …7201, Leyte. Kailan kaya ako magkaka-boyfriend at saan ko siya makikipalalaka? March 23, 1989 ang birthday ko.
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa iyong birthday na March 23, 1989 sa susunod na taong 2015 sa edad mong 25 pataas magkaka-boyfriend ka na, na makikilala mo sa isang paglalakbay sa sasaksakyang pandagat hatid ng isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Aries.
>>>
Mula kay Arnold Benepayo ng Madapdap, Mabalacat, Pampanga. Sino-sino po ang ka-compatible ko? August 8, 1992 ang birthday ko.
Tugon ni Madam Sophia: Ka-compatible ng birthday mong August 8, 1992 ang isang Aries, Sagittarius, Aquarius at kapwa mo Leo higit lalo silang isinilang sa petsang 5, 14, 23, 7, 16, 25, 4, 13, 22, 31, 2, 11, 20, at 29.
>>>
Mula kay Gigie ng …8314, Carmona Cavite. May pag-asa po ba akong yumaman, sa paanong paraan? August 23, 1981.
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong August 23, 1981, tatlong bagay ang maaari mong ikayaman: Una, makapag-aasawa ka ng mayaman, pangalawa, makapagnenegosyo ka ng kalakal na may kaugnayan sa komunikasyon o kaya’y transportasyon at pangatlo na maaari mo ring ikayaman – walang tigil na pag-aabroad o paglalakbay. Kapag ikinundisyon mo ang isip mo sa tatlong nasabing mga paraan, tiyak ang magaganap sa taong kasalukuyan sa edad mong 32 pataas magsisimula ka ng yumaman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending